Continuation.....
"Cassy?" Sabay kaming lumingon ni Xandro sa pinto ng marinig kong tinawag ako ni Mayla.
"Bakit?" Agad kong tanong sakanya.
"Tawag ka ni sir Xander." Sagot niya kaya hindi ko maiwasang maparoll-eye, baka may balak na namang masama sa akin ang demonyo na yun kaya niya ako pinapatawag.
"Ah sir alis muna ako." Paalam ko kay Xandro. Baka kase sabihin pang bastos ako pag umalis na di man lang nagpaalam sakanya.
"Oh sige, but please don't call me sir again Xandro na lang! Feeling ko kase nakakatanda ang pagtawag ng sir sa isang tulad kong bata na gwapo pa." Sagot nito kaya hindi ko maiwasang mailang. Grabe ang bait naman niya at may pagka-mayabang din, bagay niya ang pangalan niyang king dahil mabait siya at gwapo pero mayabang lang.
Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni sir Xandro kaya taka akong tumingin sa kanya.
"Wait! sabay na pala tayo. I want to see my kuya, depungal ang loko ayaw ata kase akong makita hindi man lang pumunta dito hindi na niya ako sinundo sa airport. Pero namiss ko na rin kase ang matandang yun hahaha!" Sabi niya sabay tawa. Hindi naman ako natawa dahil hindi nakakatawa ang joke niya, sa totoo lang matanda na talaga ang demonyo niyang kuya para sa akin kaso may pagka-isip bata rin. Tulad nga ng sabi niya sabay na nga kaming nagtungo sa kwarto ng kapatid niyang demonyo kaya kasama ko siya.
*Tok! Tok! Tok!*
Hindi po ako yung kumakatok si Xandro yun. Nasa likod niya lang kase ako kaya siya na ang kumatok.
*ekkk*(tunog ng bumukas na pinto)
"Why are you s- Xandro!" Tila gulat ang mukha niya ng makita niya ang kapatid niyang ang lawak ng ngiti sakanya. Gulat itong nakatingin sakanya at ng mapadako ang tingin niya sa akin ayun kumunot ang noo.
Ang laki talaga ang tama ng mokong na to.
"Kuya prince, kumusta ka? I miss you a lot, did you miss me too? Ah baka hindi kase nagmumukmok ka at hindi mo man lang ako sinundo, kung hindi lang ako nagtungo rito malamang hindi mo malalaman na umuwi na ako. " Masiglang sabi ni Xandro pero halata rin naman ang pagtatampo niya sa kuya niya.
What he say Prince? Did I heard it right?
"Kelan ka pa dumating?" Seryosong tanong ni Xander sakanyang kapatid. Bastos talaga kahit kailan, wala man lang kumusta, namiss din kita oh ano.
"Kagabi. Hindi mo alam no, kase nagkukulong ka lang depungal kang kuya ko. Wait hindi mo ba ako papasukin?" Sabi ni Xandro kaya niluwagan nito ang pinto kaya agad namang pumasok si Xandro sa loob susunod na sana ako ng tignan niya ako ng matalim ng tingin dahilan para mapaatras ako. Katakot naman 'to galit lang ganern.
Eh pinatawag-tawag pa ako kung hindi naman pala ako pwedeng pumasok or what.
"Don't enter! Mamaya ka na lang bumalik, you can go now!" Sabi nito at agad na isinara ang pinto. Bastos talaga ampota! walang kamanner-manner kahit konti sa katawan.
"Yeah, yeah!" Usal ko na lang bago tumalikod at umalis sa bwisit niyang silid, 'kala mo kung sino buti pa si king Xandro, handsome na mabait pa may pagkamayabang lang onti eh ikaw gwapo nga pangit naman ang ugali. Napa-irap na lang ako at napagdesisiyonan kong sa garden na lang ulit ako tutungo.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)