Author: si Alexander(Xander) ay ang panganay at alaga ni Cassy at si Alexandro(Xandro) naman ay ang pangalawa at nakababatang kapatid ni Xander.. Guys reminds ko lang kung may mga naguguluhan man diyan.....
**********
Alexandro(Xandro)•Pov•Nakangiti ako habang nakatingin kay Ate Cassy na ngayo'y inaayos ang mga kalat. Napakasaya ko dahil pumayag siyang tawagin ko siyang ate kahit na hindi ko pa siya masyadong kilala at ganun din siya sa akin.
Nung nakita ko siya kanina para bang may naalala ako sakanya at nung nakita niya kaming naglalaro ng basketball na walang damit pang-itaas ay nakita ko pa ang pag-iwas nito ng tingin hahaha! ang cute nga niya kanina. Nung tinawag niya kami kanina nakita ko ang simpleng pagsulyap niya sa table kung saan nakalagay ang bow and arrow kaya tinanong ko siya kung marunong ba siyang gumamit nun at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya kaya lang mabilis na umalma ang masungit kong kuya. Ayaw niya kaseng may gumagamit nun dahil naaalala niya dun ang kaniyang ex dahil yun din ang madalas nilang paglibangan dito at pati nga ako ay hindi pa nakakahawak niyan kase hindi talaga ako marunong maglaro ng archery hahaha!
Nagkipagtitigan pa ako kay kuya para lang pumayag siya kanina. Taena lang dahil ang sama ng tingin niya pero dahil sa kagustuhan kong malaman kung talaga bang marunong si ate Cassy na gumamit nun at viola hindi nga ako nagkamali dahil kasing husay na niya ang mga professional na archery player. Kita ko pa nga ang paglunok at gulat sa mukha ni kuya prince, mukhang hindi niya inaasahang marunong si ate Cassy dahil kanina pa nga ay parang nakakasiguro siya na hindi makakaya ni ate buti na lang hindi niya ako pinahiya kay kuya.
Malakas kase ang kutob kong may tinatago si ate Cassy hindi ko lang alam kung ano, saka madalang din akong magkamali ng kutob parang babae ba pero hindi ganito na talaga ako at Isa na ang ginawa niya kanina. Aakalain mong hindi siya marunong dahil sa suot niyang eye glass at baka hindi niya makita lalo na pagmalayo pero hindi saktong-sakto sa gitna walang palya.
"Sabay na tayo ate." Nakangiting sabi ko bago isinuot ang damit ko. "Tulungan na kita diyan ate." Sabi ko bago kinuha sakanya yung tray.
"Naku! Napaka gentle dog mo naman." Sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa sinabi niya.
Bukod sa mabait si ate Cassy may pagka bully din pala haha.
"Si ate naman, ginawa pa akong aso." Kunwaring tampo ko at ngumuso dahilan para pati siya ay matawa.
"Teka, ilock ko lang 'to." Sabi niya kaya hinintay ko muna siyang i lock ang pinto bago kami sabay na naglakad papasok sa kitchen.
"Ate? Ano nga pala ang last name mo?" Tanong ko sakanya pero hindi siya umimik at agad na naunang naglakad kaya nagtaka ako.
"Ate! wait!" Sigaw ko ng tuluyan siyang nakalayo kaya no choice ako kundi ang habulin siya. Bakit ba siya nagkaganon ano bang nasabi kong mali.
Pagpasok ko ng kitchen nakita ko siyang umiinom kaya mabilis kong nilapag ang tray sa lababo at agad siyang nilapitan.
"Ate okay ka lang? May nasabi ba akong mali?" Ala-lang tanong ko sakanya pero Hindi siya lumingon sa akin.
"Ahm, o-oo okay lang ako." Sagot nito at lumingon sa akin habang may ngiti sakanyang labi. Alam kong napipilitan lang siyang ngumiti pero kahit ganun hindi na lang ako nagsalita pa.
"Tara sa may veranda ate, o sa pool kung saan mo gusto ate." Nakangiting suggestion ko dahil gusto ko kaseng pagaanin man lang ang damdamin niya kung may pinagdadaanan man si ate, I don't know but may nararamdaman akong kakaiba sakanya na hindi ko maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Roman pour Adolescents[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.