👑PART 52👑

105 18 0
                                        

Cassandra •Pov•

Kasalukuyang inaayos ako nina Danica dahil daw makipagkita kami ngayon sa sinasabi nina Dad na papakasalan kong prinsipe ansabe. Kanina pang excited ang tatlo na makita ko na ang lalakeng tinakasan ko noon sa totoo lang talaga ayokong maikasal sa prinsipe na 'yun kase.



Kase umaasa kang tutulungan ka nga ng ina ng taong Mahal mo.


Haystt oo na inaamin kong umaasa ako dahil hanggang ngayon gusto ko talagang magkaayos na kami.




"Tapos na. Ang ganda mo!" Pagpuri sa akin ni Danica.





"Yes naman ako pa!" Pagmamalaki ko sa sarili ko.






"Sus dati pa no! Kaya nga prinsipe pa ang ipapakasal sakanya, asuss haba ng hair."



"Eh princessa rin naman siya ah."





Napangiti na lang ako sa sinasabi nila Kung alam lang nila na hindi ko gusto ang magpakasal sa kahit na sinong lalake maliban lang kay Xander kahit man paulit-ulit niya akong saktan ay kaya ko pa rin siyang tanggapin kase ganun naman talaga diba? Kapag mahal mo kahit gaano man kasakit ay kaya mong magtiis dahil hindi lahat ng nagmamahal ay masaya.






Sabi ni Mommy ang prinsipeng ipagkasundo sa akin ay apo ng kaibigan ni lolo at anak rin ng kaibigan niya at yun daw ang hiling ni lolo sakanya nung nabubuhay pa siya, nangako naman daw ang kaibigan nito na tutuparin ang bagay na yun at kahit aayaw man ako wala akong magagawa dahil parusa na rin iyon kung tutuusin. Oo parang ganun na nga kase ang mga magulang namin ang nakagawa ng kasalanan pero kami naman ang kabayaran nun, ibig kong sabihin sa pamamagitan ng kasal ang kasalanan nila Mommy noon ay mawawala at pwede na akong magiging tagapagmana ng trono kung gugustuhin ko at kung sakaling natuloy man na hindi dugong royalty's ang pinakasalan ko maaring ang magiging anak ko ang magiging kabayaran rin ng kasalanang magagawa ko at iyon ay dahil sa batas na aming sinusunod. Oo may batas kaming sinusunod at iyon ay batas ng mga Dugong bughaw sa lugar na aming pinaggalingan ang bansang france. Kaya lang daw kami napadpad dito sa batanggas dahil sa negosyo ni Daddy na pinama sakanya ng lolo o ama niya at isa pa wala rin naman kaming imamanage na negosyo sa France kundi ang palasyo kaya mas ninais naming tumira dito sa Pilipinas pagkatapos mamatay ni Lolo dahil sa sakit.




Sabay kaming naglakad nina Danica dahil inalalayan nila akong naglakad dahil nga sa taas ng heels ko. Nakasuot ako ngayon kulay pink na nahahaluan ng white ang  gown at white glass na stilleto may nilagay din silang plastic flowers na parang korona. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ipinasuot sa akin, ang init-init kahit ber months na naiinitan ako sa suot ko.





Napatigil ako ng maramdaman ko ang dagliang pagkahilo, pumikit muna ako ng mariin at inadjust ang sarili ko bago bumalik sa dati.





"Ayos ka lang?" Tanong ni Romelyn na siyang nakahawak sa kaliwang kamay ko.





"Oo medyo nahilo lang ako." Sagot ko at agad na nagpatuloy sa paglalakad.



Sumakay kami sa mercedes benz at patungo kami sa Alfonso Restaurant. Sa amin yun nabasa niyo naman siguro diba? Parang gusto kong magback-out hindi ko talaga kaya.






Isang oras ang tinagal ng byahe bago kami nakarating. Papasok na kami sa loob ng bigla akong kabahan, ano ba to?






"Iha okay ka lang ba?" Tanong ni Mommy sa akin at agad hinawakan ang kamay ko. "Don't worry iha nandito lang kami ng Daddy mo." Pagpapakalma sa akin ni Mommy. Ngumiti lang ako sakanya dahil kinakabahan talaga ako sa 'di malamang dahilan.




My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon