👑PART 41👑

67 19 3
                                    

Inter high.......

Continuation......

Napangiti ako ng makita ang ngiti sa labi ng aming coach dahil parehas kaming nanalo ni Xander kaya nakarating kami sa final. Ang hiling ni coach ay sana maipanalo namin ang laban sa final. Hindi ko man alam kung sino ang mas magaling sa amin ng makakalaban namin ay tinitiyak kong hindi nila kami matatalo ng basta-basta.



"Hey! hop in." Napalingon ako sa may gate ng covered court ng marinig ko ang boses ni Xander.



Agad akong lumapit sakanya at agad tinaasan ng kilay.





"What?" Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.





"Saan ang punta mo?" Nakataas pa rin ang kaliwang kilay ko at pinagkross ang mga kamay ko.





"Correctly tayo, because were going to eat. I want to eat somewhere or at my ninang restaurant." Sagot niya bago buksan ang passenger seat.






"Iba talaga pag mayaman ano." Naiiling kong sabi bago pumasok.






Sabagay para saan pa't may pera ka kung hindi mo rin gastusin para sa sarili mo.





"You know what?  This past few days I notice that your avoiding me. Why?" Biglang tanong niya.




Tsk! Hindi pa rin pa ba siya naniniwala sa sagot kong wala lang.




"Wala la-."




"Hep! I know you have a reason so tell me." Agad niyang sabat na ikina-irap ko.




"Ang kulit sinabing wala eh." Kalmadong sabi ko pero malapit ng mainis kaya kung uulitin pa niya baka masigawan ko na.



"Okay, okay. Wala na kung wala para kang aso." Biglang banat niya na ikina sama ng tingin ko sakanya.





At talagang ginawa mo pa akong aso ano!






"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako hayop!" Inis kong sabi sakanya. Mas lalo akong nainis ng marinig ko itong tumawa na parang natutuwa na iniinis ako.




"I don't said that, but anyway you look like a dog cause your cute." Tumatawang sabi niya. Biglang uminit ang pisngi ko sa narinig at walang ano-anoy sinapok ko siya kahit na nagmamaneho.





"Ouch! What's that for?" Tanong niya bago tumingin sa akin ng masama.





"Loko ka ah, aso ha! Aso!" Gigil ko siyang kinurot sa braso na ikinangiwi niya. Pilit ko lang tinatago ang kilig ko sa paghampas sa kanya baka kase mahalata pa niya na kinikilig ako.






Bigla akong napa-upo ng tuwid ng bigla siyang tumingin sa akin ng masama at puno ng pagbabanta kaya para sa kaligtasan ko mas mabuting manahimik nalang ako.





"One more baby then you get my sweet revenge!" Sabi niya at agad nagbago ang expression ng mukha niya mula sa masamang tingin ay napalitan ito ng nang-aakit na tingin.






Punyawa! Ano naman kaya ang iniisip niya. Feeling ko may iniisip siyang hindi maganda at kung ano man 'yon wala na akong pake-alam.




My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon