Cassandra •POV •
Ngayon ang araw ng aming pagprapractice para sa nalalapit na intramurals at sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto 'to eh kung hindi lang niya ako pinagsabihan ng hindi maganda ang haliMau na'yun.
(Flash back)
Palabas na kami ni Mhari ng gate dahil saba-sabay na daw ako sakanya. Ihahatid na lang daw niya ako sa mansyon nina Xander dahil alam niyang hindi pa kami okay na tatlo at yung tungkol sa sinabi ni Xandro na mag-uusap daw kami ay hindi natuloy dahil sa pagiging busy nila.
"Hi Cassy?" Napatigil kami ni Mhari ng marinig ko ang nagsalita sa likod namin kaya agad namin siyang hinarap.
"H-Hi?" Alanganin na bati ko bago ngumiti. Ngumisi naman siya ng malapad sa akin bago nagsalita.
"You know what, nais kong marinig ang pasasalamat mo dahil nakapasok ka sa palaro ng dahil sa akin." Nakangiti na sabi niya pero hindi nakaligtas sa akin ang tila nang-uuyam sa bawat binibitawan niyang salita.
"Miss Maureen. Ang makasali sa laro ay isang malaking karangalan pero hindi ako nasisiyahan na ako ay nakasali." Deretsyang sagot ko dahil ito naman ang totoo.
Matagal ko ng binitawan ang pakikipagcompetensya ng laro na 'yan dahil nangako akong mas pagtutuuanan ko ng pansin ang pag-aaral tanging libangan ko lang talaga ang paglalaro.
"Bakit hindi mo ba nagustuhan? Sayang ako pa naman ang naglista sa'yo para masigurong makapasok ka." Nakangiti na sabi niya.
"Ikaw!" Bigla akong napalingon ng biglang pagsigaw ni Mhari habang nakaturo yung daliri niya kay Maureen.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
 
                                               
                                                  ![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)