👑PART 20👑

94 28 0
                                        

Mharinel •Pov•

I'm on my way to go in the school. Hehe english po 'yan ah, kasama ko pala mama ko inihatid niya ako eh ang bait no? kaya lab na lab ko siya sobra.



"Baby? kung may mang-aaway na naman sayo doon sasabihin mo sa akin at ako ang paparusa sakanila." Sabi ni mama habang ang tingin ay sa kalsada.





"Ma-ma naman." Nakabusangot kong sabi. Eh paano simula kahapon pa siya ganyan simula nung umuwi akong may mantsa ang damit. Kinulit-kulit niya ako hangga't hindi ko inaamin ang totoo. Kaya hanggang ngayon pinapaalalahanan niya akong magsabi kung may mang-aaway na naman sa akin. Hindi naman na bago sa akin ang ganun eh kaya sanay na ako kaso si mama ang oa eh para namang kahapon lang ako nabully kung makareact wagas.




"Ah basta pag may umaway sayo idedemanda ko siya." Sambit niya kaya napailing na lang ako. I'm only child kaya naman spoiled ako kay mama. Si papa naman, I don't know where is he? May dumbass father na kayang iwan ang pamilya niya, tss! Wala na akong pake kung sakali mang babalik siya sa amin, 'yun ay kung babalik pa.





"Siya nga pala, pwede mo bang ipakilala sa akin yung bagong kaibigan mo at imbitahan mo sa bahay at ng makilala ko naman." Sabi ni mama kaya ngumiti muna ako sakanya at tumango-tango.






"Oo naman mama." Nakangiting sagot ko sakanya.





Lumiko ang sinasakyan namin sa isang kanto kaya nadaanan namin ang pinagbabaan ko kahapon. Ang totoo niyang may tatlong kilometro la ang lalakarin mula sa mismong highway papasok sa village namin pero dahil may tricycle naman malapit sa amin kaya nagtratricyle ako para lang makarating ng mabilis sa may paradahan ng mga taxi na siyang sinasakyan kong patungong DU.





"Eh ang gwapo niyong kasabay anong pangalan niya?" Napangiwi naman ako ng banggitin ulit ni mama ang lalakeng kasama namin ni ate Cassy kahapon pero hindi ko pa pala alam name nun nakalimutan ko na pero ang gwapo niya mga besh. Hindi ko siya crush ah nagwagwapuhan lang. Sikat sila sa paaralan pero hindi ko naman siya kilala kase sa pag-aaral lang ang atensyon ko at 'di na inabalang maki-usyoso sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko pero dahil kay ate Cassy nakilala ko ang prinsipe ng buhay ko, oo na crush ko na nga siya pero secret muna natin iyon ah mukha kaseng wala rin akong pag-asa eh.






"Nakalimutan ko nga po ang name niya." Sagot ko kay mama dahil iyon naman ang totoo.




"Aba dapat malaman mo ang pangalan niya at ng makilala ko na din ang future son ko."





*cough! cough!*



"Oh anak okay ka lang ba?" Tumingin sa akin si mama at hinagod ang likod ko gamit ang kanang kamay niya.





"Cough! mama naman your so straight to the point, at isa pa hindi ko naman siya aasawain dahil hindi ko naman yun type crush lang." Sagot ko habang nakahawak sa lalamunan ko. Alam kong hindi niya narinig ang huling sinabi ko dahil sa isip ko lang sinabi iyon baka kase mag-isip na naman si mama ng kung ano-ano.






"Bakit sinabi ko bang aasawain mo siya!" Nakataas ang isang kilay na sabi niya, sungit talaga ni mama kaya namana ko din eh.








"Eh ang sabi niyo naman po na my future son diba?" Tanong ko na may halong pagtataray.






"Ang sabi ko my future son at hindi ko sinabing future husband mo anak. Aampunin ko siya kung gusto niya, 'tong batang to may gusto ka ata sakanya no?" Panunuksong tanong niya na inirapan ko lang. Yes ganyan kami maglambingan ni mama nag-iirapan lalo na kung may ayaw kami sa isang bagay na sinabi namin.








My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon