👑PART 50👑

67 16 0
                                    

Cassandra •Pov•

Nagising ako at agad tumambad sa akin ang puting kisame. Nasaan ako? ba-bakit puro puti? Ano bang nangyari?




Taka akong tumingin sa paligid ko kaya nalaman kong nasa hospital ako. Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang mabigat na kung ano sa kamay ko automatic ko 'tong tinignan at nakita ko ang mahimbing na natutulog kong ina habang hawak ang kaliwang kamay ko.





Hindi ko maiwasang mapaluha ng makita ko si mommy. Si mommy na ilang buwan kong hindi ko nakikita pero ngayon nandito na.




I miss you so much mom.




Gamit ang kanang kamay ko hinaplos ko ang buhok nito para patunayan sa sarili kong totoo nga ang lahat ng ito na hindi lang ako nanaginip. Totoo nga pero paano ako nakarating dito and wh- napatigil ako sa kakaisip ng maalala ko ang nangyari.



Wala na kinamumuhian niya ako kahit wala naman akong ginawa.



hinayaan kong mahulog ang luha ko habang inaalala ang nangyari.


"Anak okay ka lang bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? tell me! Teka anak!" Natauhan ako sa pagyugyog sa akin ni mommy habang nag-aalalang nakatingin sa akin.





"Okay lang ako mommy." Sagot ko at bahagyang ngumiti sakanya para hindi na ito mag-alala pa.





"Teka! teka! tatawagin ko lang ang doctor para icheck ka anak okay." Tumango lang ako kay mommy bago siya lumabas ng silid.




Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago bumangon mula sa pagkakahiga. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay agad na nagbukas ang pinto at pumasok doon ang isang doctor at isang nurse kasama si mommy. Lumapit sila sa akin at agad nila akong chineck.






"Kumusta po ang anak ko doc?" Agad na tanong ni mommy matapos akong icheck ng doctor. Napangiti na lang ako kay mommy dahil sa pagkataranta niya at labis na pag-aalala. Nowadays a mother is always a mother.



Pero pagdating sa usapang puso sila naman ang nasusunod. Pero kung sakali sigurong sinunod ko sila baka hindi ko ito mararanasan? Hindi siguro ako masasaktan?






"She's okay ma'am. Walang problema sa kaniyang vital Organ, anyway pwede na siyang makalabas bukas." Napangiti naman si mommy sa sinabi ng doctor kahit nga ako napangiti na rin dahil sa wakas malapit na akong maka-uwi. Kakagising ko palang pwede na akong maka-uwi bukas.






"Salamat po doc." Naluluhang pasasalamat ni mommy bago lumapit sa akin.  "Narinig mo yun anak?" Nakangiting sabi ni Mommy ngumiti rin ako sakanya bago tumango.



















________
Pauwi na kami ngayon sa mansion kasama ko sila Mommy at Daddy. Oo nga pala ang tungkol sa nangyari sa akin ayun buti naman nahuli na yung suspect pero hindi muna kinulong sa bilangguan dahil kailangan muna niyang magpagaling. Yes you read it magpapagaling siya dahil nalaman nila Daddy na may problema pala ito sa kaniyang pag-iisip akalain mong nung una ayaw umamin pero kalauna'y umamin din pero umiiyak daw siya at maya't-maya tumatawa.





Flash back**

"What your true intentions against my daughter?" Seryosong tanong ni Andrew sa kaharap. Tahimik namang tumitig sakanya ang dalaga habang umiiling.



My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon