Cassandra •Pov•
Bumalik ako sa loob ng bahay at nagngingitngit pa rin ako dahil sa sobrang galit ko sa lalaking 'yon. Buti nga bagay lang yun sakanya! akala niya siguro hindi ko siya papatulan porke amo ko siya.
"Oh iha, nasaan si Xander?" Tanong ni Tita Sandra ng makita niya akong bumalik at hindi ko kasama ang demonyo niyang anak.
"Ayun, ayaw pong sumunod." Sagot ko pero hindi ko pa rin maiwasang mainis pag-naalala ko ang ginawa niya sa akin kanina.
Grrr! 
I can't help to greeted my teeth kapag naaalala ko ang hinayupak na yun.
"Oo nga pala iha, kumusta naman ang pag-aalaga mo sa anak namin?" Tanong niya. Wala kase sila kahapon at hindi sila umuwi kaya hindi nila alam na sinusumbatan ko ang anak nila.
Paano ba naman kase ang pangit ng ugali niya, gad so making me high blood.
"Ang tigas po ng ulo eh." Honest kong sagot. Totoo naman eh, matigas ang ulo at pati tiyan matigas kaya hindi na kailangang kumain baka pati sa baba matigas din eh.
Nakakawala ng pasensya!
"Pagtiyagaan mo sana ang anak namin ah iha. Mabait naman siya at masunurin kailangan lang ng intindi. Pero kung hindi nakikinig sayo eh binibigyan na kita ng permiso na gawin ang mga nais mo para lang mapapayag at bumalik siya sa dati." Sabi ni Tita Sandra habang nakatingin sa akin at mapapansin mo ang lungkot sa mga mata niya.
Kung alam mo lang tita ginawa ko na talaga ang gusto ko sa anak niyo, binayag ko na ang loko.
"Pero po! paano kung paalisin ako ng anak niyo?" Tanong ko dahil yun ang unang pumasok sa isip ko nung sinumbatan ko siya.
"Don't worry iha ako ang bahala sayo basta gawin mo ang lahat para maibalik ang saya sa mukha ng anak ko." Malungkot na sabi ni Tita. Hindi ko man alam kung anong dahilan kung bakit sinabi niyang ibalik ko ang saya kay Xander pero napansin ko na din kase kay Xander na hindi ito masaya, nandun pa rin ang lungkot sa mga mata niya kaya siguro naging masungit kase pinag-iwanan ng panahon.
"Hindi po ako nangangako pero kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan ng hindi ko naibabalik sa dati ang anak niyo. Kahit man po maging mahirap sa akin na alagaan at pagsilbihan ang anak niyo kahit mamuti man ang mga mata ko, nangangako akong hindi ko siya pababayaan." Ewan ko kung bakit yun ang sinabi ko pero gusto ko lang kaseng pagaanin ang damdamin ni Tita Sandra kahit papaano o dahil siguro sa gusto ko lang ding makatulong sa iba. 
Natawa nalang si tita sa nasabi ko pero kahit papaano tumango-tango naman siya saakin.
"Salamat iha, ang bait-bait mo kaya hindi ko maiwasang maalala siya sayo," Napakunot noo ako sa sinagot ni Tita. "Magkaiba man ang ugali niyo pero parang nakikita ko siya sayo,."
"Po? Sino po?" Tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin.
"Wag mo ng pansinin yung sinabi ko iha. O sige aalis na ako kailangan ko pa kaseng magpahinga." Tumango lang ako kay Tita bago siya tumayo at umalis sa harap ko.
Lumabas muna ako ng bahay at nagtungo sa garden. Gusto ko lang mawala ang mga tanong sa isip ko. Nakita ko ang ifugao na hardinero na kumausap sa akin kahapon kaya naglakad ako palayo sakanya. Baka kase kausapin niya ako at siguradong hindi kami magkakaintindihan tiyak maiistress lang ako lalo.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
 
                                               
                                                  ![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)