Cassandra •Pov•
Tumatakbo ako sa mahabang highway para takasan ang mga taong humahabol sa akin. Tumatakbo lang ako hanggang sa may makabunggo ako na kung sino. Agad akong lumingon at agad ko siyang tinignan. Nagulat ako ng matanda pala ang nakabungguan ko hindi naman ganun katanda ngunit halatang may edad na siya.
Mabilis ko siyang tinulungang tumayo at nagsorry ng paulit-ulit. Tatakbo na sana ulit ako pero napatigil ako sa pagsalita ng matanda at ang paghawak nito sa braso ko. Napatigil din ako ng makita ko ang tila lungkot at pagkasabik sa mga tingin na pinupukol niya saakin.
"Iha bakit ka tumatakbo?" Tanong nito habang nakahawak sa kanang braso ko pero nananatili pa rin ang ganong tingin na binigay niya sa akin na para bang she misses something the way she look at me.
"May humahabol po kase saakin." Tarantang sagot ko at agad naman niyang binitawan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Sa tingin ko hindi ka na nila nasundan pa dahil nakita kong sa ibang street sila dumaan, kung gusto mo sumama ka na lang sa akin." Hindi ako nakapagreact dahil hindi ako kombunsido kung tatanggapin ko ba ang alok niya dahil unang-una hindi ko siya kilala kaya bakit niya ako tutulungan. Hindi siya nag-aalinlangang alukin ako ng tulong samantalang hindi pa niya ako kilala.
"Po?" Naninigurong tanong ko. "Sigurado po kayo?" Nagtataka kong tanong na tanging tango lang ang natanggap ko sakanya.
"Pero ngayon niyo lang po ako nakita? hindi po ba nakakahiya yun, I mean wala bang pag-aalangan sainyo na mag-alok ng tulong sa di niyo kakilala?" Agad kong sambit habang nakatingin sakanya.
"Bakit hindi kung alam ko naman na hindi ka gagawa ng masama, at isa pa alam kong may mabuti kang puso kaya bakit ako mag-aalangang tulungan ka." Tugon nito kaya napanganga nalang akong nakatingin sa kanya ng may pagtataka.
She's so kind and harmless I guess.
"Po!" Nakangangang sambit ko pero ngumiti lang siya sa akin.
"Tawagin mo na lang akong Tita Myrna. Tara sa bahay nandiyan lang sa ikalawang kanto." Sagot nito. Imbes na mag-alinlangan pa akong sumama ay hindi na lang ako nag-inarte pa, Isa pa kailangan ko ng matutuluyan ngayong gabi at wala din akong alam na pwede kong malapitan o hingan ng tulong ng hindi alam ng pamilya ko.
Sumama nga ako sakanya at nagtungo kami sa kaniyang tirahan. Pagpasok namin sa loob bumungad sa akin ang maayos at maaliwalas nilang sala. Napakaganda kahit na may kaliitan 'tong bahay ni Tita Myrna. Nakaayos ang mga kagamitan niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha. It's like a castle pero para lang siyang mini castle dahil ang ganda ng design, the interior and exterior design of this house in that much bad for the eyes.
Ngayon ko lang alam na may nag-eexist palang ganitong uri ng bahay dito sa batanggas. It's amazing!
"Umupo ka muna diyan iha at ipaghahanda kita ng makakain." Sabi ni Tita. Umupo muna ako sa upuang kahoy at napatingin- tingin sa buong paligid habang hinihintay si Tita. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa mga nakikita ko dahil lahat ng mga ito ay gawa sa simpleng kagamitan pero napakagandang tingnan.
"Iha halika na tiyak kong gutom ka na," Aya sa akin ni Tita ng bumalik ito kaya agad na akong nagtungo ng kusina dahil gutom na nga ako dahil siguro sa kakatakbo ko kanina.
Umupo ako sa kaharap ni Tita at nagsalin ako ng pagkain at ulam, una kong napansin ang mga kagamitang plato at baso na hindi babasagin puro gawa sa plastic pero maayos namang tignan at malinis din.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)