(Continuation)
Pagbungad pa lang ng sinakyan namin ng gate ay dinig na dinig na ang ingay ng mga kiti-kiting tao na akala mo naman may dumating na artista.
Nauna akong lumabas at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang mga kababaihang sumalubong sa amin. Holy shit! ang sasama pa ng tingin nila sa akin na animo'y para akong tae sa paningin nila dahil sa hitsura nila kung makatingin sa akin na sobrang nandidiri.
Hindi ko na lang sila pinansin at agad na akong naglakad para hanapin yung room ko. I'm a section A Bonifacio at classmate ko ang magkapatid na Daliego. Yung schedule ibinigay nila kahapon kay Xandro siya kase ang may-ari ng paaralan kaya kailangan niyang bumibisita dito kung wala siyang gagawin.
Deretsyo lang ang lakad ko hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. Dali-dali akong pumasok dahil naririnig ko na ang mga malalakas na tilian ng mga kiti-kiti at isa lang ang ibig sabihin nun, malapit lang sa akin ang demonyo kong alaga.
Umupo ako sa pinaka unang row malapit sa bintana. Dahil yun ang gusto kong pwesto.
"Psst!"
Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong sumisitsit sa akin at nagmumula doon.
"Hi ate?" Napailing na lang ako ng makita kong si Xandro lang pala ang sumisitsit sa akin. Batang 'to isip bata talaga.
"Bakit?" Kunot noo kong tanong habang nakatingin sakanya. Nasa likod ko lang pala siya naka-upo at hindi ko alam na magkalapit lang pala kami ng upuan.
"Where's kuya?" Tanong niya.
Paktay! Oo nga pala dapat hindi ko 'yun iniwan mag-isang nilalapa ng mga kiti-kiti. Tsk! bahala na siya. Ayoko pang mamatay dahil sa mga fans niya, naks fans daw 'di siya na ang may fans!
"Naiwan natraffic ata!" Simpleng sagot ko sakanya napa-iling naman siya sagot ko.
"Tss! kawawang kuya, Pinagkakaguluhan at tiyak kong mahihirapan siyang makarating dito." Umiiling na sabi niya.
*BOGSSS!!*
Sabay pa kaming tumingin ni Xandro sa pinto ng bigla itong bumukas kaya ganun na lang ang gulat ng mga nandito kaya pati sila ay kay Xander nakatingin na ngayo'y ang sama ng tingin sa akin. Lagot ako nito! para siyang carnibal na handa akong kainin ng buhay. Sunod-sunod ang paglunok ko at kinakabahang umiwas ng tingin sa mga mata niyang nanlilisik na sa galit.
Oh no the devil's born again! Este awake and ready to eat!
Napamura ako ng sunod-sunod ng maglakad siya palapit sa akin ngunit nando'n pa rin ang nakakatakot niyang tingin. Siguro kung nakakamatay lang ang masamang tingin baka nakabulagta na siya- siya ah alangan naman ako, ayoko pang madedo no' sarap kayang kumain.
Umupo siya sa katabi ng aking inuupuan at tumitig sa akin ng napakasama na para niya akong nilulusaw sa kaniyang isip gamit ang kaniyang tingin.
"Why did you leave me!" Seryosong tanong niya kaya hindi ko maiwasang malunok ang sarili kong laway. Kinginames! Dapat ko ba talaga siyang hinintay kung ang mga tao dun eh ayaw sa akin.
"Next time! wait me and don't go without me! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo makita mo!" Dugtong niya kaya hindi na lang ako umimik. "You know me Cassandra, hindi mo pa nakikita ang ugali ko kapag nagagalit." Dugtong niya at dama ko talaga ang galit niya kaya hindi nalang ako umimik pa.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.