👑PART 35👑

68 16 0
                                    


Continuation..

Hindi na sana ako pupunta sa gymnasium pero kinulit-kulit ako ni Mhari na samahan siya kaya ngayon nandito kami ngayon sa gym habang hinihintay na dumating si Maureen.

"Alam mo ate parang may hindi magandang mangyayari sa araw na 'to. Parang may mali." Saad niya na ikina-kunot ng noo ko.


"Ha? Anong mali? At paano mo naman nasabi?" Taka kong tanong sakanya.


"Eh hindi ko maipaliwanag eh." Sagot nito habang nakatingin sa stage.


"Naku kung ano man 'yan, baka dahil sa excited ka kaya chill ka lang okay." Pagpapagaan ko sa loob niya na tanging ngiti lang niya ang isinukli at sakto naman na pumasok si Maureen kasama si Xander. Nakaangkla sa braso niya si Maureen kaya agad akong nag-iwas ng tingin.



Hindi ko alam kung bakit pero parang naiinis ako na ewan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo akong nainis ng may marinig akong hindi ka-aya-aya.


"Miss Maureen ang ganda niyo po."

"Bagay po kayo ni kuya Alexander."


"True, ang cute."

"Thank you guys." Masayang sagot naman ni Mau na lalo kong ikina-inis. Paano ba naman kase ang lawak-lawak ng ngiti sabay sandal sa balikat ni Xander yung ulo niya at para bang nang-iinis ng dumapo ang tingin niya sa pwesto namin ni Mhari.

Ang sarap manapak ng tao pero wala kang magawa dahil wala ka na mang karapatan.



Naku sinasabi ko na sainyo mahirap ang magselos lalo na kung wala kang batayan para mang-away pero the hell nakaka-ubos lang talaga ng pasensya ang babaeng 'yan.


Napaiwas ako ng tingin ng nakita kong tumingin-tingin sa paligid si Xander hanggang sa dumapo sa akin. Hindi ko alam kung ano pero parang malungkot ang expression ng mukha niya ng makita niya ako.



Natural naman Cassy sinaktan mo 'yung tao kaya malungkot siya hindi lang 'yun nasasaktan rin siya kaya wala kang karapatang magselos diyan.


"Good morning to everyone. Ang araw na 'to ay para sa mga nakapasok sa palaro at upang malaman natin kung sino-sino ba ang nakapasok, ating tinatawagan si miss Maureen Labrusca para sa information at para malaman natin kung sino-sino nga ba ang mga kalahok." Sabi ng announcer at isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng mga tao dito at mga sigawan.



Nakangiti namang umakyat sa stage si Maureen at agad na kinuha ang microphone.

"Good morning to my fellow student specially to those college student and to all teachers isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Now I announced the students who qualified to played, Start sa soccer ball team.

I announced na nga niya ang mga nakapasok sa lahat ng mga manlalaro hanggang sa chess player at maswerteng nakuha si Mhari. Bago kase ng papirma may trial silang ginawa kaya naman sobrang saya ngayon ni Mhari.

My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon