👑PART 6👑

151 43 7
                                        

Tanghali na naman at kasalukuyang naghahanda si Tita Myrna ng meryenda ng demonyo na alaga niya at buti na lang pumayag siyang siya na ang magdadala para sa alaga niya. Baka kase pag ako pa baka hindi ako makapagtimpi at baka mapatulan ko siya ng wala sa oras sa attitude ba naman niya kase, siya na nga ang pinagsisilbihan siya pa ang may ganang magsungit.

Matapos mailagay ni Tita ang mga pagkain sa tray ay maingat niyang binuhat para ipakain sa taong paespecial.


"Myrna malioh-to?" (Myrna halika dito) Nangunot ang noo ng marinig ang sinabi ng hardinero na pumasok ng kitchen pero binalewala ko lang.



"Ah Cassy iha paki dala na lang 'to kay Sir Xander." Tatanggi pa sana ako kaso naalala kong trabaho ko nga pala yun kaya no choice kinuha ko agad ang tray at nagtungo sa kwarto ni Boss Xander. Nandun daw ang taong yun eh ayaw kaseng lumabas. Hindi ko tuloy mapigilang mapanguso habang palapit sa kwarto niya, akala ko makakatakas na ako ngayon eh.




Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kanyang silid. Napahinto ako at nagdalawang-isip kung papasok ba ako o ano. Sa huli kumatok na lang ako ng tatlong boses at buti na lang binuksan niya din agad ang pinto.


"You again!" Iritang sambit niya pagkakita palang sa akin, bahagya pang nakakunoot noo at naiiritang tumingin sa akin. Parang gusto ko tuloy barahin. Nakita na nga lang niya na may dala akong pagkain, magtatanong pa, obvious naman na dinalhan ko siya ng meryenda niya.


Pasalamat nga siya dinadalhan pa siya eh.


" Boss meryenda niyo po." Magalang kong sagot kahit na ang totoo gustong-gusto ko na siyang sungitan at irapan pero tinitigan lang niya ako.


"You know what, I hate the way they serving me na akala mo naman lumpo ako." Pasigaw na sabi niya.


Buti alam mong hindi ka na bata para pagsilbihan.




"But I can't understand my mother because she still want to get a maid who took care of me. Listen woman, you never ever serve me again." Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin ng sobrang sama na akala mo naman may nagawa akong kasalanan sakanya.



Grabe naman 'to siya na nga tong pinagsisilbihan siya pa tong may ganang mag-reklamo, wow lang ha.


"Boss nag-aalala lang naman po ang mga magulang mo sayo kaya pwede po ba na kunin niyo na po ito at kainin." Magalang kong sagot at talagang kindi ko maiwasang maging sarcastic pero pilit ko lang na kinakalma ang sarili ko at baka makagawa ako ng mali sakanya baka baka mas lalo pa niya akong sigawan.



"Stupid! I said you don't need to serve me, so better get out of my face!" Napapikit ako ng sumigaw ito sa harap ko. Tila umakyat na naman ang inis sa ulo ko kaya gustong-gusto ko na siyang sigawan, nagtitimpi lang ako.



Patience Cassy, patience.


"Boss ang pagkain ay masamang tinatanggihan kaya pwede po ba na kunin niyo na lang ito at kainin para makaalis na ako." Deretsyong sagot ko at nakipagtitigan sakanya. Akala niya matatakot niya ako sa mga titig niya, no way.


"And who are you to say that to me." Madiin ang pagkakasabi niya na para bang pinipigilan lang ang galit.


Okay sino ba naman ako, isang katulong lang naman.


"Pero p-




"I said get out or else!" Matigas na sabi niya sa mukha ko dahilan para matahimik ako at mapayuko. Dumausdos ang luha sa pisngi ko dahil hindi ko tanggap na sinisigawan lang ako ng taong tinutulungan ko. Ako na nga tong nagmamagandang loob, kung hindi ko lang siya amo baka kung ano na ang nagawa ko sakanya.


My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon