Paggising ko agad akong nag-exercise bago naligo. Blue t-shirt na may tatak na always good vibes tapos short na hanggang tuhod na kulay white at syempre hindi mawawala ang fake pimples at hindi masyadong kakapalan na eye glasses, sa disguise kong ito masasabi kong malayong-malayo ang dating hitsura ko kaya malabong mamukhaan pa nila ako. Inilugay ko lang din ang hindi straight na buhok ko which means kulot na kulay brown, in born na yan kaya okay lang sa akin, ewan ko nga kung saan ako pinaglihi kung bakit ganyan ang buhok ko hindi naman gan'yan ang buhok nina mommy at daddy.
"Oh iha tapos ka na pala. Tara na sa baba ka-kain na daw tayo." Sabi ni Tita at naglakad palabas kaya sumunod na din ako agad.
Pagdating namin ng kitchen bumungad sa amin ang mga tatlong maid na nagluluto. Dalawang kasing edad ni Tita Myrna at isang ka-edad ko lang. Nang mapagawi ang tingin ko sa ka-edad kong maid ay agad ko siyang nginitian ngunit inirapan lang niya ako, aba ayaw ata sa akin ng isang 'to napasimangot tuloy ako aga-aga sungit.
Pumasok sa loob ang mag-asawang Daliego, ang aming amo at pareho silang nakaformal suit. Papasok siguro sila sa trabaho.
Ofcourse Cassy common sense, hindi sila magsusuot ng gan'yan kung hindi sila aalis.
"Amm, Cassy sina Manang Manda at Manang Marie ang mga magiging kasama mo dito at si Mayla." Itinuro-turo ni Tita Sandra ang mga maid na nasa harap namin.
"Manang Manda, Manang Marie at Mayla si Cassy ang bago niyong makakasama at siguro naman kilala niyo na si Manang Myrna diba?." Tumango naman silang tatlo habang nakatingin sa amin ni Tita Myrna. Ayos kwatro M ang mga makakasama ko, ako lang ang naiiba at pati nga pala yung maid na pinalitan ko M din ang simula ng pangalan niya, astig naman hindi naman siguro halatang mahilig sina tita Sandra sa M na katulong.
"Manang Myrna kayo ng bahala kay Cassy kung anong gagawin niya ah. At kung pwede paki dalhan ng pagkain si Xander nasa gymnasium siya ngayon naglalaro na naman siguro ang isang iyon." Sabi ni Tita Sandra.
"Opo maam." Sagot ni Tita. Tumingin si Tita Sandra sa akin bago ngumiti. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pag-ikot ng mata ni Mayla na para bang may ayaw siya sa akin.
Nagpaalam na sila sa amin kaya balik normal este balik trabaho ang tatlong M at kami ni Tita Myrna kumain muna bago nagtrabaho.
Pagkatapos naming kumain agad ng naghanda si tita para sa Xander na 'yon.
"Cassy iha ikaw na ang magdala ng pagkain kay sir Xander ha." Ibinigay sa akin ni Tita ang isang tray na may mga pagkain, ulam at tubig lahat ng especial na pagkain nandito na. "Isipin mo nalang na ito ang simula ng trabaho mo bilang personal yaya ni Xander."
"Eh Tita nasaan po ba dito ang gymnasium nila?" Tanong ko bago kinuha kay Tita ang tray.
"Halika sasamahan na kita." Sabay kaming naglakad ni Tita at nagtungo sa gymnasium.
Tumigil kami sa isang pinto. Akala ko papasok pa kami ni Tita pero tumigil siya kaya nagtaka ako habang nakatingin sakanya.
"Ikaw na ang magdala niyan." Sabi ni Tita at pinopoint ang dala kong pagkain. Bahagya naman akong kinabahan at napa-atras ang tapang ko dahil sa isiping mag-isa lang akong papasok, geez why I feels like I don't wanna like this boss of mine I feels something. Dang praning ka na Cassy.
"Po? Eh samahan niyo po ako." Natatakot kase ako na baka kainin ako ng lalakeng yun eh kase sabi ni Tita Sandra may pagkamasungit daw ang taong yun. Oa na kung oa pero kase first ko mga bhe.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.