👑PART 27👑

76 22 1
                                        

A/N: Thank you wattpad for being my stress relever at ikaw ang dahilan upang hindi ako masyadong malungkot ngayon dahil sa pagkawala ng natitira naming grandfather tito po siyo ng mama ko. Lo this chapter will be dedicated to you I love u and we miss you po...





********
Cassandra •Pov•

Pag-uwi ng mansion agad na akong nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa gym dahil alam kong nandoon si Xander ngayon.

Agad akong nagtungo dun pero napatigil ako ng may makita akong ka-usap ni Xandro sa may Balkonahe isang lalake at parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakatalikod yung lalake kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ko na lang yun pinansin pa at agad nagtungo sa gym.


Papasok na sana ako pagkarating ko ngunit napatigil ako ng may marinig akong nag-uusap kaya imbes na pumasok ay tumigil nalang ako dito sa labas ng pinto. Aalis na lang sana ako dahil mukha namang mahalaga ang pinag-uusapan nila ngunit napatigil ako ng may marinig akong pangalan ko.


"Xander kahit ilang taon na ang lumipas ikaw pa rin ang mahal ko pero bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ako napapansin." Narinig kong sabi ng babae pero base sa boses niya ay alam kong si Maureen.



"Reen Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na hindi kita mahal, oo mahal nga kita pero bilang kaibigan lang." Sagot naman ni Xander.


Ouch friend zone.

Aalis na lang sana ako dahil baka may makakita sa akin dito na nakikinig sa usapan ng iba pero parang may glue ang paa ko kaya hindi ako makaalis at tila ba may magnet ang pinto dahil idinikit ko pa lalo ang tenga ko para mas marinig sila.


"Why Xander si Mariel pa rin ba ha? Kaibigan ko naman siya ah at pareho kaming maganda, infact mas mayaman ako sakanya dahil katulong mo lang naman siya pero bakit hindi mo ako kayang mahalin? Hik! Sniff!" Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ko ang paghikbi ni Maureen. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sakanya, I feel you Mau.


"Oh dahil ba sa Cassandra na yun? Hik! Sniff! Ilang buwan lang kayong nagkakilala mahal mo na siya bakit nasisiguro mo bang mahal ka nga niya ha? Baka nga ginagamit ka lang niya para yumaman." Sa sinabi niyang yun ay agad nawala ang awa ko sakanya kundi napalitan  ito ng inis, anong akala niya sa akin gold digger, oo hindi nga siya nakakasigurong mahal ko siya dahil kahit ako naguguluhan na sa nararamdaman ko.



"I don't love her but she's important to me. Reen kaibigan lang ang tingin ko sayo I'm sorry." Rinig kong sagot ni Xander na ikina sikip ng dibdib ko. Oo alam ko naman na hindi niya ako mahal dahil ginagamit lang niya ako pero bakit nasasaktan ako bakit ang sakit sa dibdib, ano bang nangyayari saakin ngayon? Ano bang rason para makaramdam ako ng ganito gayong alam kong wala namang permanente at hindi rin kami pwede.


Agad na akong umalis do'n at di namalayang may luhang tumulo mula sa mata ko kung hindi ko lang naramdaman ang pagbasa ng pisngi ko agad kong pinahid ang luhang umagos mula sa aking mata at pilit pinipigilan ang pag-agos ng aking luha.

His words hurt me, Yung sinabi niyang hindi niya ako mahal at importante ako sakanya hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.


Nagtungo ako sa kwarto namin ni Tita ngunit napatigil ako ng makasalubong ko si Markus Monteverde. Nagtataka ang tingin nito habang nakatingin sa akin.


My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon