👑PART 2👑

195 53 2
                                    

Comment, vote is highly appreciated..
**************
Continuation...

Paggising ko ng umaga agad akong bumangon at inayos ang aking higaan, marunong naman akong mag-ayos ng higaan kahit pa-paano kase tinuruan ako ni yaya, my personal yaya kung paano magligpit ng higaan when I was 10 years old.



Lumabas ako ng bahay pagkatapos akong magmumog at maghugas ng mukha. Bamungad sa akin ang hindi kalawakang bakuran na puno ng mga bulaklak. Napangiti ako dahil sobrang favorite ko rin ang mga bulaklak parehas ko si Mo- kumusta na kaya sila baka hinahanap pa rin nila ako? Aba siyempre naman Cassy kase anak  ka nila.





"Oh iha gising ka na pala?" Napangiti ako ng makita ko si Tita Myra na pumasok ng gate. Mukhang may pinuntahan si Tita ng maaga dahil nakabukas kanina ang main door nila ng lumabas ako.





"Good morning ho." Magalang kong pag bati.




"Good morning din iha, sige magluluto lang ako ng makakain natin." Ngumiti lang ako pabalik sa kanya bago siya pumasok sa loob.




Nag-stretch muna ako bago nag-squat. nagpush-up pa ako ng pang one minutes bago tumakbo-takbo. Palagi ko na 'tong ginagawa dahil isa ito sa favorite kong activity, ang palaging magwork-out. May mga kinahihiligan din naman ako pero hindi ko na 'yun magagawa dahil wala namang ganun dito.





Nang matapos akong mag-exercise ay pumasok na ako sa loob para mag-ayos ng sarili ko at para matignan ko na rin kung may maitutulong ba ako kay Tita Myrna.





"Ah iha yung damit mo pala nandiyan na sa sofa." Nakita ko si Tita na sumilip sa akin mula sa kusina.





"Naku po pasensya na kayo Tita kung pati ang mga damit mo ay hinihiram ko pa," You know what yung feeling na sobrang nahihiya ka na pero wala kang magagawa dahil kailangan mo.



Spell pakapalan lang ng feslak.



"Hayaan niyo tita pag nakabalik na ako sa amin babayaran ko rin po kayo pero sa ngayon humihingi po ako ng paumanhin kung magiging pabigat man po ako." Sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa hawak kong damit.





"Naku iha okay lang yun sa akin para na rin naman kitang anak, maligo ka na para maturuan na kita sa mga gawaing bahay." Sabi ni Tita.



Ah oo nga pala I forgot about this.


"Opo." Yun na lang ang naisagot ko bago kinuha ang damit at nagtungo sa banyo.





Agad akong nagbihis ng matapos akong maligo. Isang black na kacki shirt at plain na leggings at siyempre yung pang loob na damit. Maayos na sa akin ang suot ko, okay na atleast may maisusuot kesa yung wala, alangan namang choosy pa ako no. Mahirap ng mag-inarte lalo na kapag kailangan mo naman talaga ito.
























_______ 
"Ang pagwawalis iha tignan mong mabuti kung nalilinisan mo. Teka nga kasi, bakit ba ayaw mong bumalik sainyo? eh dun hindi mo na kailangang gawin at pag-aralan 'tong mga 'to?" saad ni Tita habang hawak ang walis tambo at dustpan na hawak ko kanina.



Napayuko naman ako sa tanong niya pero wala akong choice eh.



"Eh Tita ayoko po talaga, and I want to come with you sa pinagtratrabauhan ninyo dahil ayokong mahanap ako ng mga humahabol sa akin." Sagot ko kay Tita. Nasabi ko na kase sakanya ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi at kung bakit nila ako hinahabol pero hindi ko inamin ang dahilan kung bakit ako nag-layas pero parang lahat naman na nasabi ko ang hindi ko lang nasabi ay ang main reason ko.






My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon