Cassandra •Pov•
It's September 31 na ibig sabihin katapusan na at malapit na rin ang birthday ko. Ilang araw na lang pala eighteen na ako bilis talaga ng panahon. Anyway nag-aayos na pala ako sa sarili ko este sa mga gagamitin ko mamaya kase ngayong araw na 'to ang final ng laro namin final na ng intrams at sa DU gaganapin tulad nga ng sabi nila and of course madaming manonood pati nga ang parents nina Xander aattend din siyempre sila ang may-ari ng paaralan eh.
"Iha tapos ka na ba diyan?" Sigaw ni Tita Myrna mula sa baba.
"Yes Tita andiyan na!" Sigaw ko pabalik. Nang matapos na ako ay agad na din akong bumaba at nadatnan ko si Tita Myrna na nakangiting nakatingin sa akin.
"Tara na." Nakangiting yaya niya na kinangiti ko rin. Yes sasama siya sa amin dahil siya ang magprepresent bilang parents ko.
Sa sasakyan ni Xander kami sumakay dahil sa sasakyan ni Xandro ay sina Tita at Tito naman ang sumabay. Hindi na daw gagamit nina Tito ang isa pang sasakyan dahil nandiyan naman ang sasakyan ni Xandro na pwede nilang pakisabayan.
"Are you nervous?" Tanong ni Xander sa akin. Magkatabi kase kami dito sa harap samantalang mag-isa lang Tita sa likod.
"A little bit." Sagot ko sakanya. Totoo naman kinakabahan nga ako pero konti lang dahil siyempre sanay na ako sa ganun pero kinakabahan ako ng konti dahil syempre bago lang ang mga makakalaban ko at alam ko din namang mamagaling sila.
"Just relax and don't nervous. Kasama mo naman ako eh kaya wag kang kabahan." Sabi niya na ikina-init ng pisngi ko. Halla keneleg eng lele neye.
Eh kase naman for the first time akong may makasamang gaya niya na sungit na pogi pa, saan ka pa. Kahit naman madami ng nagsabi sa akin ng mga jokes nila nung nanliligaw sila sa akin eh parang wala lang sa akin pero ngayon iba na, dafug I'm in love talaga sa mokong 'to.
"Mga batang 'to ang daming alam." Pambabasag ni Tita na ikinatawa ko. Nakalimutan ata ni Xander na may kasama kami dito kaya bumanat ito.
"Yaya naman eh." Pagmamaktol ni Xander na ikinahagikgik ko. Ang cute niya lalo na nung magpout siya hihihi ang sarap kurutin.
"Kayo na ba?" Biglang tanong ni Tita na ikina-ubo ko.
Pakshet si Tita naman kase eh nambibigla.
"Are you ok?" Alalang tanong ni Xander ng tumingin ito sa akin ngitian ko na lang siya at nag ok sign.
"So ano na kayo na ba?" Pag-uulit ni Tita na muntik ko ng ika-ubo ulit.
Bakit ba pag tungkol dun nauubo ako.
"Opo." Simple at walang paligoy-ligoy na sagot ni Xander kaya hindi ko maiwasang pandilatan siya ng tingin. Pero tanging ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Grr, pigilan niyo ako baka makurot ko siya sa kilig.
F
A
S
T
FORWARD
Nang makarating na kami sa DU ay agad na kaming pumasok sa loob at talaga namang madami talaga ang nanonood dahil maraming outsiders ang dumayo plus mga parents at iba pa.
"Mauna na lang po kayo sa gymnasium Tita maghahanda lang po kami." Sabi ko kay Tita.
"O sige mauna na nga ako." Sagot naman ni Tita bago lumihis ng daan papuntang gym. Naiwan naman kaming dalawa ni Xander kaya mabilis ko siyang kinurot sa braso at pinaningkitan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)