👑PART 34👑

74 20 0
                                        

Cassandra•Pov•

Magkakasabay kaming pumasok na tatlo ngayon dahil yung kotse ni Xandro ay nasira kaya sumabay siya sa amin.

Buong byahe ay walang nag-iimikan dahil unang-una umiiwas na ako sakanila at kung may nais mang magsalita at magtanong baka dun lang ako magsasalita pero kahit ni isa ay walang nagtangkang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng paaralan.

Naunang bumaba si Xandro kaya ba-baba na rin sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse. Pinagbuksan pala ako ni Xander salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin na pababa ng sasakyan.


"Salamat." Pilit na ngiting sabi ko dahil ang totoo niyan ay gusto ko na talaga siyang iwasan yung tipong gaya ng ginawa niya sa akin pero parang nakakahalata na siya sa ginagawa ko.


Nauna akong naglakad pagkababa ko ng sasakyan pero agad niyang hinablot ang kamay ko na ikinatigil ko.



*dug! dug! dug!*


Parang pinaghalong kaba na hindi ko alam ipaliwanag ang pakiramdam ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"May problema ba tayo?" Kunot noong tanong niya habang nakahawak sa kamay ko at nakaharap sa akin.


"W-wala naman." Sagot ko at pilit na iniiwasan ang tingin niyang may halong pagtataka at parang malungkot.


"Then why are you avoiding me?" May inis at pagtataka sa boses niya habang nagtatanong at pilit niya akong tinititigan sa mata. Napakurap muna ako bago tumingin sa malayo para 'di makita ang nakiki-usap niyang mga mata baka bumigay ako lagot ako kay Tita pag nagkataon.


"Bakit mo naman nasabi na iniiwasan kita?" Balik tanong ko sakanya habang ang tingin ko ay sa malayo bago tumingin sa aking mga paa.


Tumingin ako sakanya ng hindi ko marinig ang sagot niya.

"Cassy tell me, may problema ba tayo?" Tanong ulit nito.


Hindi ako sumagot at agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin ng makita ko sa malayo si Xandro habang malungkot na nakatingin sa amin.


"I'm sorry Xander pero mas maganda na lang kung hindi na lang tayo mag pansinan gaya ng ginawa mo sa akin dati." Sabi ko sakanya bago tumalikod at naglakad palayo sakanya pero unang hakbang ko palang ay may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod.


"I'm sorry kung iniwasan kita noon pero wag mo namang sabihin yan. Cassy please bawiin mo yung sinabi mo." Biglang sabi niya sa malungkot na boses. Nakaramdam ako ng awa sakanya pero paninindigan ko ang sinabi ko kay Tita para hindi siya mawalan ng tiwala sa akin kahit na masakit para sa akin. Naramdaman ko ang malapit ng umagos ang luha ko kaya, kaya pasimple kong pinahid para hindi niya mapansin.


Pilit akong umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin pero mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya.

"Please Cassy, kahit na pretend ang pagiging magjowa natin. Pwede ko bang hingin ang oo mo para maging totoo na 'to?" Malungkot at nakikiusap na sabi niya pero hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko sasabog ang damdamin ko at baka mapa oo ako ng wala sa oras at baka masira ko pa ang tiwala ni Tita.




I'm sorry Xander, aking fake boyfriend. May love and my prince kung hindi ko maibigay sa'yo ang sagot ko dahil hindi pa ako handang ipaglaban ka lalo pa't hindi ko pa nareresolve ang problema ko.



My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon