👑PART 26👑

75 22 0
                                        

Cassandra •Pov•

It's Monday again at kasalukuyan akong kumakain kasama sina Tita Sandra.

"Iho, baby? Come here kumain ka muna!" Yaya ni Tita kay Xander ng makita niya itong naglakad palabas pero lumingon lang siya kay Tita Sandra.




"Nagmamadali ako mom sa school na lang ako kakain, BTW mauuna na ako." Sagot niya bago tumingin kay Xandro at sa akin ngunit saglit lang kaya lang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang interact ng puso ko dahil tila hindi man lang niya magawang tumingin sa akin ng matagal, hindi ko siya maintindihan at lalong-lalo na 'tong nararamdaman ko.


What happened? Why I feel weird?


Hindi ko alam kung bakit anong nagawa ko at tila ba iniiwasan niya  ako. Okay lang naman kami nung friday ah pero kinaumagahan tila ba iniiwasan na niya ako dahil ayaw na niya akong maghatid ng pagkain niya pero kumakain din naman siya para siguro hindi na nila ako kulitin na dalhan siya ng pagkain. Hindi rin siya makatingin sa akin ng matagal na tila ba isa akong masakit sa paningin.


Napayuko na lang ako at agad na tinapos ang aking pagkain. I don't know why I feel like this, I feel empty na hindi naman dapat, kase dapat matutuwa na ako dahil wala na akong kaaway wala na akong responsibilidad na kailangan isipin pa pero bakit pakiramdam ko hindi ako natutuwa bakit parang hindi ko gusto ang ganito.



Sabay kaming pumasok ni Xandro dahil sakanya na daw ako sasabay sabi ni Xander sa akin sa text. Yeah sa text dahil may phone na ako binigyan niya ako nung sabado ewan ko ba kung para saan pero hindi ko na tinanong pa dahil halata naman na iniiwasan niya ako.

*Flashback*

Paglabas ko ng kwarto dahil nagpalit lang ako ng damit nabasa kase kanina nung naglinis kami ni Mayla sa pool.

"Cassy?"

"Ay palakang bullfrog!" Gulat akong napalingon sa likod ko ng may tumawag sa akin si Xander pala galing ata siya sa kwarto niya.


"Bakit?" Tanong ko sakanya. "May ipag-uutos ka ba?" Agad kong dugtong.

"No, wala may ibibigay lang ako sayo." Tugon niya bago iniabot sa akin ang isang paper bag. Taka ko namang kinuha ito sakanya.


"Ano 'to?" Kunot noo kong tanong. Habang nakatingin sa hawak kong paper bag na halata namang galing sa cellphone shop.

"Cellphone, stupid!" Sagot niya kaya nakatanggap siya ng masamang tingin galing sa akin.


"Alam ko, ang ibig kong sabihin para saan 'to? At bakit mo ako bibigyan?" Tanong ko sakanya, maka-stupid akala naman niya kung sinong sobrang talino na gaya ni Albert Einstein.


"Binigyan kita niyan para kahit wala ka sa tabi ko ay pwede mo akong I-text if you need me then kahit wag mo na rin akong ihatiran ng pagkain, I can handle my self. Nakasave na diyan ang number ko, so please if you have say something just text but don't call." Sabi niya na ikinagulo ng isip ko. Anong ibig niyang sabihin at bakit bawal siyang tawagan pero text pwede.


Tumalikod na siya papasok sa kwarto niya na ikinatulala ko. May nais pa sana akong itanong sakanya eh haystt yaan mo na nga.

My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon