Continuation.......
Kami na ang huling lalaban kaya nandito kami ngayon sa stage. Apat na school ang maglalaban para sa final at ito lang ang masasabi ko panalo kami ni Xander sa duo kanina kaya one on one ngayon ang laban. Naka line kaming apat na babae habang may hawak ang bawat isa ng bow and arrow.
"Ready!" Pagkasabi ng referee na ready ay agad na kaming pumwesto kaya ngayon ay nakataas na ang aming kamay hawak ang bow and arrow. Hinihintay lang namin ang go signal bago namin bitawan ang palaso.
"Release." Pagkasabi ng referee ay agad na naming pinakawalan.
Wahhhhhhh
Nagsigawan ang mga tao ng tumama na ang pana sa target pero dalawang pana sa gitna at yun yung pinakawalan naming dalawa ng isa kong kalaban. Mahahalata naman ang crossbow ng bawat isa dahil bawat representative ng bawat paaralan ay may kulay kaya pati crossbow ay may kulay din.
"Wahhhhh ate ko yan... Go ate Cassy!" Narinig ko ang pagsigaw ni Mhari sa pangalan ko kaya hindi ko maiwasang mapatawa sakanya. Todo cheer siya habang sumisigaw pa may napapatingin tuloy sakanya, hindi man lang siya nahihiya sa ginagawa niya pero gustong-gusto ko naman din ang pagsigaw-sigaw niya kahit na medyo nakakahiya.
"Go my future wife!" Sa hindi malamang dahilan biglang isinigaw ni Xander 'yun kahit na nasa gitna kami mismo.
Tongono pigilan niyo ako, gusto kong manapak at maglumpasay .
Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa kilig at hiya. Shit lang paano ba naman pinagtinginan kami ng mga tao kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Kahit na may eyeglass ako kitang-kita ko pa rin ang pag-irap ng karamihan sa akin gaya na lang ng kalaban ko ngayon.
"Slut." Bulong niya pero narinig ko naman. Kahit naman hindi niya aminin alam ko naman na may pagkagusto 'tong kalaban ko kay Xander dahil nung unang araw palang ng intrams dikit na ng dikit kay Xander kahit na hindi naman siya pinapansin.
Slut daw eh siya nga 'tong lapit ng lapit kahit hindi pinapansin.
"Ready." Agad na signal ng referee kaya agad na din akong sumunod kahit na nahihiya pa rin ako sa mga tao dahil sa ginawa ng mokong na yun.
"I will defeat you easily bitch." Nakangising sabi niya sa akin pero 'di ko lang yun pinansin pa dahil ang tingin ko ay sa napakalayong target namin. Wala naman kaso sa akin kahit gaano kalayo pa 'yan pero hindi lang kase ako comfortable sa mga tinging pinupukol nila sa akin.
"Tsk talo na din naman tayo sakanya dahil sa layo pa lang ng target kaya pa kaya niyang maasinta."
"Oo nga kahit na sabihin nating nakaabot siya sa final alam ko din namang matatalo 'yan."
"Kay prince Xander lang ang pag-asa natin."
"Bakit pa kase siya ang representative natin eh."
Ay wow hiyang-hiya naman daw ako sayo teh.
Narinig kong sabi ng mga tao na mas lalong nagbigay sa akin ng lakas. Hindi kase ako yung tipo ng tao na mabilis maapektuhan ng salita lang. Kung ang iba pag nakarinig na dinadown sila naapektuhan sila pero ako hindi ako yung tipo na mabilis maapektuhan dahil ang pagda-down nila sa akin ang lalong nagbibigay sa akin ng compyansa para manalo. Ika nga wag mong patunayan na tama ang sinasabi nila bagkus ipakita mong mali sila at patunayan mong kaya mo pa ring tumayo sa kabila ng mga taong mapanghusga sa'yo, wag mong dibdibin ang mga sinasabi nila tungkol sa'yo dahil wala ka namang dibdib, Charrot! Ang ibig kong sabihin ay wag mong hayaang matalo ka ng mga salita nila sa'yo bagkus gawin mo itong inspiration para mas tumatag at mas maging matapang ka.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)