Continuation...
Palabas na kami ng parking lot dahil uwian na ng hapon at kasama ko ngayon si Xander at Mhari palabas ng parking lot.
Napalingon ako bigla sa gate ng maalala ko si Xandro at sakto namang palabas na ito kaya huminto ako dahil gusto kong makisabay sakanya at para na rin maka-usap.
"Mauna na kayo." Sabi ko sa dalawang kasama ko nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni Xander at akmang aangal pa pero mabilis kong kinumpas ang kamay ko para hindi na siya umangal pa bago naglakad palayo.
Agad akong natigilan ng makita ang mga mata ni Xandro na malungkot ng magtama ang mga mata namin. Agad din siyang nag-iwas kaya lalapitan ko na lang sana siya ng agad siyang lumihis ng daan kaya taka ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa pumasok ito sa sasakyan niya.
Susundan ko palang sana siya pero tinapunan lang niya ako ng masamang tingin dahilan para matigilan ako.
Saakin ata siya galit?
Napailing na lang akong naglakad na patungo sa kinalalagyan ng sasakyan ni Xander. Pinagbuksan naman niya ako kaya agad akong pumasok.
Walang umiimik sa aming dalawa ng umalis kami sa paaralan. Magsasalita na sana ako para tanungin si Mhari pero naalala kong may sundo pala ang bruha kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at di na lang umimik pa hanggang sa tuluyan na kaming makarating.
Naunang pumasok si Xander bago ako. Nadatnan kong nagbabasa ng diyaryo si Tito Alex kaya kunot noo akong naglakad papasok sa kwarto.
Anong meron bakit ang aga naman ata ni Tito ngayon dati naman halos maggabi na silang uuwi ni Tita Sandra galing trabaho. Ah baka maaga lang talaga sila.
"Iha?"
"Ay bakulaw!" Napatalon akong napasigaw dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Nakaharap kase ako sa may pinto ng banyo sa kwarto dahil tutungo sana ako sa banyo para magshower.
Napahawak ako sa puso kong ang bilis ng kabog bago ako humarap sa nagsalita. Si Tita Sandra pala na nasa pinto habang nakatingin sa akin.
"Bakit po?" Kunot noo kong tanong dahil ngayon lang siya nagtungo dito para kausapin ako samantalang dati si Tita Myrna ang tumatawag sa akin pag may sasabihin si Tita Sandra sa akin unless masyadong importante ang sasabihin niya dahil siya pa ang pumunta dito.
"Maaari ba kitang maka-usap?" Tanong niya kaya napalunok muna ko ng isang beses bago sumagot.
"Oo n-naman po." Sagot ko medyo kinakabahan ako dahil siguro sa pagkagulat kanina.
"Gusto kitang maka-usap sa office ko." Saad niya bago naglakad paalis kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.
Shit na malagkit bakit parang hindi maganda 'tong nararamdaman ko tungkol sa pag-uusapan namin ni Tita.
Nang marating ko ang tapat ng office ni Tita ay nakaramdam ako ng mas matinding kaba na hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ko si Tita na nakaupo sa swivel chair at ganun din si Tito Alex na nakaupo sa may bench dahilan ng mas lalong tumindi ang kaba ko.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.