👑PART 13👑

117 35 0
                                        

Author: guys sa mga nagbabasa ng story na to sana po magvote man lang kayo kahit na Hindi na kayo magcomment ay ok lang.. Mas nagkakaroon kase ako ng interest na ituloy pa ang story ko pag may nagbabasa at sumusuporta ng story ko..... So yun nga, vote ok na.....

_____________
Continue...

Cassandra •Pov•

Kumatok muna ako sa pinto para maagaw ang atensiyon nila at hindi naman ako nabigo dahil pareho silang lumingon sa akin yun nga lang yung isa nakangiti at yung isa nakakatakot parang papatay charoot! Salubong lang ang kilay ni boss demonyo.

"Mga boss. Meryenda niyo po." Nakangiting sabi ko bago inilapag sa round table ang tray na hawak ko.



Naglakad naman silang dalawa palapit sa akin kaya hindi ko maiwasang matakot. Nakakatakot kase ang awra ni Xander feeling ko susuntukin niya ako anytime mukha pa naman siyang sinto-sinto na anytime manununtok nalang kung gustuhin man niya.



Kinuha ni Xandro ang baso na may lamang juice at si Xander naman tinapay lang at tubig. May kinuha rin kase akong tubig dahil sabi ni Tita kanina na kukuha rin ako ng tubig.



"Am, Cassy?" Napalingin ako kay Xandro ng tawagin niya ako.



"Po?" Tanong ko bago tumingin kay Xander na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin, well dati naman hindi lang ako nasanay pero bakit saakin nakatingin ang isang iyan.




"Ano ba sabi ko naman na wag ng masyadong formal at tsaka wag mo akong ipo! nakakatanda." Sabi niya kaya napangiti ako ng pilit.  I feel uneasiness sa mga titig ng demonyong 'to sa akin. Pakiramdam ko kase may sinasabi siyang masama sa kanyang isipan at sigurado ako na pinapatay na niya ako sa kanyang isipan.

Tumingin ako sa ginagawa nila kanina at doon ko nakita ang mga bagay na dahilan para mamiss at maalala ko na naman ang mga dati kong ginagawa noon.

"Marunong ka bang gumamit ng bow and arrow?" Tanong ni Xandro kaya biglang nagtwinkle ang paningin ko at tila ba pumapalakpak ang mga tenga ko sa narinig, bakit kaya niya tinatanong baka naman paglalaruin niya ako?


"Op-"


" No!" Napabusangot na lang ako ng biglang sumingit si demonyong Xander. Yun na sana eh, baka may chance akong makapaglaro ulit  namiss ko na kaya ang maglaro kaso damot naman ang isa diyan. Akala mo naman kakainin ko yung mga gamit na yan para ipagdamot niya kung maka no naman.




"Sa tingin ko gusto mong maglaro?" Tanong ni Xandro habang nakatingin sa akin kaya napayuko na lang ako at di nagsalita pa baka kase barahin na naman ako ng demonyong si Xander.




"Silent means yes. You can barrow the bow and arrow." Sabi ni Xandro pero di ako kumilos. Napasulyap ako kay Xander na ngayo'y salubong ang kilay na palipat-lipat ng tingin sa akin at sa kapatid niya.



"Sige na." Sabi ni Xandro pero mabilis na umalma si Xander.




"No! I don't give her a permission to use the bow and arrow! That's mine and you don't have the right to decide." Malamig na sabi ni Xander at tinignan ng masama si Xandro. Tinignan naman siya ni Xandro ng matalim na tingin at parehong walang gustong magbaling ng tingin.




"Ahm, alis na lang po ako." Pagpapaalam ko dahil baka mag-away pa silang magkapatid at ako ang may kasalanan kaya nagsimula na akong naglakad palabas.




"No you stay here!" Maawtoridad na sabi  ni Xandro kaya napa-stop ako sa paglakad at lumingon sakanila na ngayo'y nagpapatayan pa rin ng tingin.




My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon