👑 Part 11👑

113 36 0
                                        

Cassandra •Pov•

Nagising ako at agad bumungad sa akin ang puting kisame. Agad akong napabangon pero napangiwi ako ng biglang kumirot ang braso ko. Shit! naman ang sakit pa rin ah.


"Iha gising ka na." Muntik pa akong mapasigaw sa gulat ng biglang may lumabas sa cr at agad nagsalita.


"Tita naman." Napakunot noo ako ng makita kong basa ang mukha niya. Mukhang kagigising lang niya at kakatapos maghilamos.


"Kumusta ang pakiramdam mo iha?" Tanong ni Tita bago lumapit sa akin.



"Okay lang naman po. Teka po pala alam na po ba nila Tita Sandra ang nangyari sa akin?" Tanong ko kay Tita Myrna.


"Oo iha, ang totoo niyan kagagaling lang nila kanina dito." Sagot niya.


"Si Xan- Boss po?" Tanong ko. Ewan ko kung bakit lumabas sa bunganga ko ang pangalan niya.



"Ah si sir, Hindi dumalaw ang loko. Pinagalitan kase nina ma'am kaninang umaga, at baka nakokonsensya sa pag-iwan niya sayo." Sagot ni Tita kaya tumango lang ako. As if naman na nakokonsensya yun, eh wala atang konsensya ang kagaya niya eh paano walang puso ang kupal na yon.



Humanda talaga ang lalake na yun, susuntukin ko siya o di naman kaya'y sapak para sa pag-iwan niya sa akin ng gabing yun. Nagutom kaya ako ng husto tapos pagod na pagod din ako kakatakbo tapos may malas pang dumating kaya naman sisiguraduhin kong kahit man lang sapak o suntok ang maiganti ko sakanya, okay na yun sa akin.




"Ah Tita, kelan pala ako makakalabas dito?" Tanong ko kay Tita.



"Pwede ka ng lumabas ngayon iha." Sagot nito kaya napangiti ako at aksidenteng napahawak sa mukha ko, nakahinga ako ng maluwag ng mahawakan ko ang eye glass at fake pimples ko. Mabuti naman at hindi tinanggal.



Phew buti na lang ay wait yung eye glass ko bakit meron, diba nahulog yun at nasira paanong?


"Kung nag-alala ka sa mukha mo este diyan sa fake pimples mo, hindi naman nila pinaki-alaman yan." Nakangiting sabi ni Tita. " Pinalitan ko pala ang eye glass mo kase wala kang eye glass noong sinugod ka namin dito." Dugtong ni tita kaya napangiti naman ako.


Hay buti naman kung ganun.


"Salamat po ng marami tita." Ngiting pasasalamat ko bago tumayo at nagtungo sa cr. Magpapalit na ako ng damit dahil kailangan pa naming makauwi.


Paglabas ko ng cr, nakita ko si Tita na inaayos ang mga gamit ko. Ngumiti lang ako sakanya at nagpasalamat na rin. Siya ang nagbitbit sa mga gamit ko dahil baka daw mapwersa ang sugat ko at bumuka na naman.


Sumakay kami ng taxi pauwi sa mansion ng mga Daliego. Sina Tita Sandra ang nagbayad ng bill ko sa hospital dahil ayon kay Tita sila na ang magbayad dahil kasalanan naman daw ng demonyo nilang anak ang nangyari sa akin at saka nasa puder nila ako kaya naman sila ang mananagot kung sakaling may masamang mangyari sa akin at bilang kabayaran sila na Ang nagbayad ng hospital bill ko.



Pagpasok namin ng mansion ay agad akong sinalubong ng mga tatlong M.



"Kumusta ka na Cassy?" Agad na tanong ni Mayla habang nakangiting nakatingin sa akin.


"Iha ok ka na ba?" Tanong naman ni Tita Manda.



"Opo, ok na ok ako." Nakangiting sagot ko. "Salamat sa pag-aalala." Dugtong ko bago nagpaalam muna dahil papasok ako sa silid namin ni Tita para makaligo na ako.


My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon