Third person •Pov•
"Eto na ba lahat ng information na gusto kong malaman?" Tanong ko sa utusan ko.
"Yes boss yan lang, alam mo ma'am parang misteryoso siya sa dinami-dami ng mga taong inimbestigahan ko siya palang ang tila kakaiba." Saad niya kaya bahagyang nangunot ang noo kong tumingin sakanya.
"At bakit?" May halong inis kong tanong.
"Eh kase anak siya ng mayaman pero parang may hindi pa idinetalye kung ano nga ba ang trabaho ng mga magulang niya, sikat ang pamilya na 'to pero hindi ko akalaing madami pang bagay ang hindi ko nalalaman." Sagot niya na ikinatahimik ko.
Humm! kung ganon marami siyang inililihim at kung ano man 'yun ay hindi na ako interesado basta ang mahalaga hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay sa kung sino siya.
"Hahahaha! Malas lang niya at swerte ako hahahaha." Tumatawang sabi ko habang nakangisi na nakatingin sa hawak kong folder.
"Ngayon malapit ka ng mawala sa daan ko hindi man sa ngayon pero baka sa susunod na araw hahaha."
"Boss alis na ako." Pagpapaalam ng taong binabayaran ko.
"Okay basta kapag may kailangan ako maaasahan pa rin kita." Sabi ko sakanya.
"Areglado boss asahan mo lagi lang akong nasa likod mo sunud-sunuran sayo." Sagot niya na ikinahalakhak ko.
"Good." Sabi ko bago siya tinalikuran.
Inilapag ko sa mesa ang hawak kong folder bago tumingin sa mga kitchen knife na nagkalat sa mesa at sa dalawang baril na nakalapag.
Kung ang isa nga ay nakaya kong patayin ikaw pa kaya. Alam kong mahina at lampa ka lang at sigurado ako na isang saksak lang tumba ka na. Don't worry hindi ako brutal pumatay dahil hindi ko naman patatagalin ang paghihirap mo kaya dapat maghanda ka na.
Sa mga araw na 'to at sa susunod na araw hayaan kitang magsaya pero sa oras na hindi ko na gustong makita ka mag goodbye ka na sa mundong 'to. Wala akong hindi kayang gawin alang-alang sa kagustuhan at kaligayahan ko.
Isusugal ko lahat ng meron ako kahit pa buhay ng ibang tao ang nakatayo dito. What I want is what I get, kung sinong hahadlang sa mga kagustuhan ko dapat ay pinapatumba gaya ng babaeng 'yon.
**********
Cassandra •Pov•"Iha?" Agad akong lumingon sa may pinto ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita Myrna.
"Po, bakit po?" Magalang kong tanong kay Tita.
"Gusto ka daw kausapin ni sir Xander." Sagot ni Tita.
Oo nga pala kahapon pa niya sinasabi na gusto niya akong maka-usap pero hindi lang ako pumasok sa loob ng kwarto niya.
"Okay po, pero nasaan po siya?" Tanong ko kay Tita habang inaayos ang sarili. Hinayaan kong nakalugay ang kulot kong buhok dahil basa pa ng maligo ako kanina. Pero suot ko pa rin 'tong eyeglass ko pero tinanggal ko na yung fake pimples, bakit ko pa ililihim kung alam ko naman na malalaman din nila sa huli napag-isip-isip ko na din kase na kailangan ko ng tanggalin ang fake pimples sa mukha ko dahil hindi naman nito masiyadong natatago ang physical kong anyo pero kahit ganun nakapagtago naman ako at sapat na iyon para mapag-isipan ng mga magulang ko na gusto ko munang mapag-isa at malayo sakanila. Alam ko rin naman na nahahalata na nila tita Sandra ang pagdidisguise ko hindi lang nila ako pinapaki-alaman kaya sa tingin okay lang kahit wala na Ang fake pimples sa mukha mabuti nga at hindi ako allergic sa mga make-up kung hindi baka kung ano ng nangyari sa mukha ko sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.