Sandra •Pov•
Napatingin ako sa pwesto ni Xander at nakita ko ang pagtitig niya kay Cassy kaya agad kong binalingan ng tingin si Cassy at napailing na lang.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago itinuloy ang pagkain ko. I'm sorry guys but I'm against to the both of you. Hindi kayo maaaring magmahalan dahil magka-iba kayo ng tadhana.
Matapos kaming kumain agad akong nagtungo sa opisina. Dinouble check ko lahat ng paper works na hindi ko nacheck ng maayos sa opisina kahapon.(reffering to their office in their company)
Napatigil ako sa pagchecheck ng pumasok sa isip ko ang anak kong panganay. Kahit na palagi akong wala sa bahay ay alam ko pa rin kung ano man ang nangyayari sa mga anak ko at bilang ina nararamdaman ko kung may problema sila at kung may pinagdadaanan man kaya alam ko ang lahat dahil nakikita mismo ng mga mata ko. Una alam kong nahulog na ang loob ng panganay ko kay Cassy at alam kong sa mga magdadaang araw ay nasisiguro kong possibleng mamahalin na niya ito at ganun din ang nakikita ko kay Cassy dahil nakita ko ang pasakit sa mga mata niya noong araw na kina-usap ko siya. Si Xandro naman alam kong may gusto na rin ito sa yaya ng kuya niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa anumang kakahantungan nila. Itanggi man ni Xandro ang lahat pero ang mga mata niya hindi makapagsinungaling sa akin.
Mabait, masipag at maunawain si Cassy at 'yan ang gusto kong katangian ng mapapangasawa sana ng mga anak ko. Pero ang panganay kong anak ay nakatadhana na sa apo ng kaibigan ni papa. Wala akong magagawa para baguhin ang pinagkasunduan nila dahil 'yun ang kabayaran ng nagawa kong kasalanan noon. Naawa nga ako sa panganay kong anak kung kaya't pinagbigyan ko nung una pero nakita ko lang ang paghihirap niya. Gusto ko rin naman siyang sumaya, bilang ina wala silang ibang gusto kundi ang makitang masaya ang kanilang mga anak pero anong magagawa ko kung ang tanging alam ko lang ay pumayag para sa ikabubuti ng lahat. Wala na akong magagawa dahil unang-una sa lahat patakaran iyon ng aming lahi na dapat na hindi masuway dahil katakot-takot na parusa ang mangyayari. Gaya ko, nawalan ako ng korona dahil sa nagawa ko at lalong wala man lang akong namana sa mga kayamanan ni papa pero kahit man ganun laking pasalamat ko pa rin dahil maswerte ako sa napangasawa ko. Mabait, mayaman at mapagmahal si Alex kaya wala akong pinagsisihan sa mga nagawa ko maliban lang sa pagkawala ng aking korona bilang isang prinsesa at tagapagmana. Kung hindi ko nagawa iyon siguro hindi ang mga anak ko ang magsusuffer sa mga hirap, oo alam kong hindi si Xander ang magmamana ng korona pero hindi ako nakakasiguro kay Xandro dahil walang anak si kuya para nagmana ng korona. Ngayon palang naawa na ako sa mga anak ko kaya sana kung magmamahal man si Xandro ay dapat dugong bughaw din para walang magiging problema.
(Flash back)
"Pinapatawag kayo ng mahal na hari mahal na prinsessa." Sabi ng isa naming kawal ang kanang kamay ni papa kaya agad akong nagtungo sa trono kung nasaan siya ngayon.
"Papa pinapatawag niyo raw po ako." Magalang kong tanong.
"Oo anak dahil gusto kong malaman kung bakit mo tinakasan ang iyong tagasilbi. Saan ka ba nagpunta?" Tanong nito at halata ang pagiging ma-awtoridad sa boses niya.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)