Cassandra •Pov•
Another day na naman at buti nakaraos pa ako kahit papaano. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Tita Myrna kahapon na ako daw ang pinaka-unang babae na pumasok sa silid ng magaling niyang alaga, ansaveh.
**Flashback***
Pagpasok ko ng kitchen ng tawagin ako ni Tita Myrna habang naglilinis siya sa malaking vase sa gilid ng daan patungo sa kitchen.
"Bakit po Tita?" Tanong ko ng makalapit ako sakanya.
"Iha sabihin mo nga paano ka nakapasok sa kwarto ni Xander?" Napakunot noo ako dahil nagtaka ako kung pa'no niya nalaman na pumasok ako dun.
"Paano niyo po alam Tita?" Balik tanong ko.
"Eh nakita kase kita sa bintana niya mula sa garden kanina." Sagot niya kaya napatango-tango ako bago sumagot.
"Opo eh pinaglinis ako ng damuhong yun. Eh para ngang hindi yaya ang role ko sa ginagawa ng alaga niyo eh." Sagot ko pero ngumiti lang si Tita sa akin.
"Aba first time niyang magpapasok ng babae sa silid niya." Tila natutuwang sabi ni Tita.
"Po?" Tanong ko. Eh paano niya nasabing first palang eh wala bang katulong ang pumapasok para maglinis.
"Hindi kase siya nagpapapasok ng kung sino-sino sa kwarto niya maliban lang sa mga magulang niya at kapatid. Ako nga pag dinadalhan ko siya ng pagkain sa labas lang ng pinto niya dahil hindi niya ako pinapapasok." Sagot ni Tita.
"Hindi nag-aayos ng sariling silid, Paano naman nalilinisan ang kwarto niya kung ganun?" Parang na curious ako ah.
"Ang mga magulang lang niya ang pumapasok at siya na rin mismo ang naglilinis ng kaniyang silid kaya naman tila nagulat ako ng makita kita sa kwarto niya mula sa bintana." Nakangiting sagot niya na para bang natutuwa na pinapasok ako ng lalaking yun. Eh wala naman akong ginawa dun kundi naglinis lang.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.