👑PART 45👑

71 17 0
                                        

Cassandra •Pov•

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa hapag lahat kami dito sa mansion dahil sabi ni Tito Alex salo-salo daw ito para sa aming pagkapanalo. Naiilang lang ako dahil paminsan-minsay sumusulyap sa akin si Tita Sandra.



Ay oo nga pala yung celebration sa school mamayang gabi na dahil sa umaga ay may meeting ang lahat ng teacher sa DU at sa hapon preparation at sa gabi na ang party. Sa totoo lang hindi ako excited dahil ayokong dumalo wala rin naman akong susuutin.




"Anyway mga iho may isusuot na ba kayo para sa party mamaya?" Tanong ni Tito sa kanyang mga anak.



"Yes/not yet." Sabay na sagot ng dalawa.


"So anong plano mo iho?" Tanong naman ni Tita kay Xander.


"Of course I will buy later with Cassy." Sagot niya sa kanyang ina.



"Ehem!" Pagfake cough ni Tita bago tumingin sa akin. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Hiya dahil nagpromise ako sakanya pero hindi ko rin naman tutuparin baka iniisip na ni Tita na promise breaker ako. Pero anong magagawa ko kung nagmahal lang din naman ako at ngayon na nga kami na officially dahil tinotoo niya ang sinabi niya.



Flash back

Nakangiti akong nakatingin kay Mhari na papalapit pero napagawi ang tingin ko sa papalapit na si Xander habang malawak ang ngiting lumapit sa akin.

"Congrats." Pagbati niya.

"Correction, congratulations to all of us." Sabi ko naman sakanya.


Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko bago ngumiti.


"Paano ba yan girlfriend na nga kita or should I say real girlfriend." Nakangiting sabi niya dahilan para mamula ako. Ay oo  nga pala deal nga daw sabi niya..


"Nu pa nga ba." Sagot ko sakanya dahil alam ko din namang wala na akong magagawa.




*Tsup*


Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong halikan. Bigla ko siyang nahampas dahil sa ginawa niya kahit na sabihing smack  lang yun.


"Sadita talaga. Ganyan ka ba kiligin?" Tanong niya sabay taas ng kilay.


"Gago ang daming tao tsaka di ka ba nahihiya ha?" Inis kong sabi. Nakakabwisit siya kahit na kinikilig ako pero nangingibabaw pa rin yung hiya ko.



"Tsk, kinakahiya mo ang boyfriend mo?" Tanong niya at pinandilatan pa niya ako ng tingin.


"Hindi. Kase ano nahihiya lang ako sa sarili ko" pag-amin ko dahil siyempre madaming may ayaw sa mga nerd na tulad ko. Nabigla ako ng  mabilis niya akong hinila at ikinulong sa mga bisig niya.



"Wala na silang paki kung gwapo man ang boyfriend mo." Sabi niya habang nakayakap sa akin.


"Gago ang yabang." Pagkontra ko na ikinahalakhak niya. Gwapo nga kaya nga ang daming naghahabol sakanya.

My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon