Continuation...
Pinagbit-bit nga ako ng demonyo kong amo ng pagkarami-rami at alam kong ginagantihan niya lang ako. Biro mo pinagtaxi pa ako kanina dahil ayaw niya akong sumakay sa kotse niya, pinag-hintay pa niya ako kung magtataxi lang pala ako. Tsk! kayang-kaya ko din namang magbyahe ng mag-isa kaya okay lang na magcommute ako kesa makasama ang demonyo na 'yun.
Kumalam ang sikmura ko dahil gutom na ako. Gabi na kase at wala ng liwanag sa paligid tanging ilaw lang na nagmumula sa street light lang ang nagbibigay liwanang sa paligid ko.
Pinalagay ni Xander ang mga hawak ko sa loob ng sasakyan niya at buti na lang dahil kanina pa ako nangangalay. Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako.
"Opps! magcocommute ka ulit." Sabi niya bago pumasok sa driver seat at agad na tumingin sa akin ng nakangisi.
"You already paid of what you did miss clumsy." I heard his voice even if mahina lang iyon pero buong-buo na narinig ko iyon.
"Ano! Eh wala ng taxi sa ganitong oras ah!" Sagot ko pero hindi na niya ako pinansin, ngumisi lang siya dahilan para mainis ako ng husto.
"It's my revenge with you bitch."
Pinaharurot na niya ang sasakyan paalis kaya mag-isa ako ngayon dito sa parking lot ng mall. Talagang gumaganti ang hayop na yun.
Inis akong naglakad patungo sa kalsada at nagbabaka-sakaling may dadaang taxi pero inabot ako ng ilang oras sa paghihintay pero walang taxi na dumaan. Hindi ako nakatiis at tinakbo ko na lang ang kalsada pauwi para sakaling makauwi ako ng mga ten. Tumatakbo lang ako dahil mahigit threnta minutos ang tatakbuhin ng sasakyan mula dito hanggang sa bahay ng boss ko at tiyak ko na pag tinakbo ko aabot ng isang oras bago ako makarating pero kung lalakarin ko baka aabot pa ng higit kumulang na dalawang oras bago ako makarating.
Pagod na pagod akong tumigil sa pagtakbo. Buti na lang medyo kabisado ko ang daan dahil natatandaan ko ang dinaan namin ng driver kanina. Pinagpatuloy ko ulit ang pagtakbo at nararamdaman ko ang sobrang pagod at nanghihina na rin ako dahil sa gutom. Humanda talaga sa akin ang lalakeng 'yun pag ako nagkasakit, hinding-hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi ako nakakaganti.
Naiiyak na rin ako dahil sa sobrang panghihina. Alam kong malakas ako pero hindi sa lahat ng oras malakas ako gaya nalang ngayon.
Nakarating ako sa madilim na parte ng daan kung saan ang daan patungo sa subdivision ng mga Daliego. Kahit nagdadalawang isip ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo sa madilim na daan nakaramdam din ako ng takot dahil baka may mumu diyan.
Nay ku po!
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng may makita akong tao na sumusunod sa akin. Dalawa sila kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo at di'ko alam kung paano nakapunta sa harap ko ang isa kaya napatigil ako habang nakatingin sakanilang dalawa na palapit sa akin.
I want to scream because of those jerks in my front. I feel weak at the same time tuluyan ng nalaglag ang kanina ko pang pinipigilang luha. Pagod na pagod ako kaya wala na akong lakas para tumakas at magtatakbo palayo sakanila, I feel weak.
"Chicks." Naglalaway na sabi ng isa. Nakikita ko sila dahil sa sinag na nagmula sa buwan.
"Hindi ako inakay." Seryosong saad ko at pilit na ikinukubli ang takot na namumuo sa dibdib ko kahit na ang totoo gustong-gusto ko ng tumakbo palayo sa naglalaway ng mga manyakis, hindi ko alam kung nakita nila ang paglaglag ng luha mula sa aking mata.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Fiksi Remaja[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.