Fast Forward...
Cassandra •Pov•
It's been two weeks simula nang mapunta ako dito at may mga magagandang nangyari naman, gaya na lang namin ni Tita Myrna na palagi pa ring pinapaalalang kailangan kong harapin ang mga problemang gusto kong takasan pero still hindi pa rin ang sagot ko. Sa totoo lang ayaw ko pa munang umuwi sa amin. Tapos palagi pa rin pala kaming nagbobonding ni Xandro kasama si Mayla, sa tuwing wala kaming gagawin, nandiyan ang mamasyal kami sa mall o sa mga pook pasyalan na dahilan para hindi mo masyadong magawa ang tungkulin ko kay Xander na pabor naman sa akin dahil iwas bwisit dahil sa tuwing nakikita niya ako para bang gustong-gusto niya akong singhalan bagay na hindi ko din papalampasin.
Si Tita Sandra at Tito Alex naman ayon palagi pa rin nila akong pinapaalalahanang habaan ang pasensya sa anak nilang napakasama ang ugali na halos walang araw na hindi kami mag sigawan dahil sa kasungitan niya. Kapag kase dinadalhan ko s'ya ng pagkain o di naman kaya'y may pinapagawa siya sa akin ay palaging dinadaan niya sa pagsigaw kaya pati tuloy ako nakikisigaw busit lang! Lalo na kapag dumating kami nina Xandro galing sa labas hindi lang masamang tingin ang matatanggap ko kundi sama din ng loob kase naman ang sasakit kaya ng mga sinasabi niya.
Sinong nagsabi na pwede kang lumabas kasama ang kapatid ko! You want to flirt him do you?
Gan'yan ang bungad niya na nagpapakulo ng dugo ko pero dahil nasa pamamahay niya ako wala akong magagawa kundi ang manahimik nalang.
Siya nga pala yung tungkol sa archery naman ayon palagi na ako dun, even if walang permission nang demonyo kong alaga at dahil yun naman ang deal o yung sinabi niya, remember yung sinabi niyang tsaka lang daw ako mag-lalaro 'nun kung matamaan ko ang center point kaya free na akong makapasok doon.
Yung ibang maid din pala gaya nina Tita Manda at Tita Marie ang apat na M ayon walang problema pero ang hardinero na si Mang Limuel ang hindi ko pa rin makasundo-sundo dahil kahit anong pilit kong mag-aral ng salitang Ilokano at Ifugao ay hindi ko pa rin magawa, feeling ko nga bumabaliktad ang dila ko kaya imbes na magpaturo kay Mayla ang ginawa ko na lang ay maglaro ng archery sa gym.
"Ate?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at alam niyo kung sino yun, no other than king Alexandro.
"Bakit?" Agad kong tanong sakanya.
"Magbihis ka na dahil pupunta tayo ngayon sa Daliego University." Sagot niya kaya biglang nagsalubong ang kilay ko at takang nakatingin sakanya.
"At anong gagawin natin dun, at tsaka Daliego ba kamo. Hindi ba sainyo yun?" Tanong ko habang nakakunot noo pa rin.
"Oo sa amin yun, actually sa akin dahil sa akin ipapamana, kaya naman magbihis ka na ate dahil pupunta tayo dun para magpa-enroll." Sagot nito.
"Magpapa-enroll? Eh diba nga sainyo naman na yung paaralan, bakit kailangan niyo pang magpa-enroll at tsaka isa pa, bakit kailangang pati ako sasama?" Tanong ko sakanya pero ngumiti lang siya.
Cute talaga ng batang to ay hindi pala gwapo din gaya ng kuya niya.
"Kase ate kahit kami ang may-ari dapat pa rin kaming magpa-enroll para naman patas sa mga estudyante at dapat kasama ka kase mag-eenroll ka din ate." Masayang sagot niya. Wuuhhaattt! bakit naman pati ako.
"Why? Bakit kailangan akong magpa-enroll kung yaya lang ang role ko at hindi estudyante?" Kunot noo ko siyang tinitigan at nagbabasakaling nagbibiro lang siya pero kita ko pa rin ang saya sa mukha niya at hindi mahahalatang nagbibiro lang ito.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)