Cassandra •Pov•
Pauwi na kami ngayon sa mansion. Uwian na ng hapon kaya eto pauwi na kami. Kay Xandro ako sumabay at kasama namin si Mhari(Mharinel). Sumabay na siya dahil malapit lang naman daw yung tinitirhan nila sa village kung saan kami nakatira, kumbaga madadaanan lang namin yung village nila. Si Xander naman ayon sumama sa dati niyang mga kaibigan, dati sabi ko ah kase siya iniwan na sa Fourth year eh yung mga kaibigan niya second year college na.
Himala ngang may lumapit sa amin kaninang mga College student mula sa kabilang building. Tatlo sila, dalawang lalake at isang babae. Maganda yung babae at napaka inosente ng mukha niya pero hindi maitatangging palaban din siya at yung dalawang boys naman, pogi rin naman sila dahil tinitilian din ng mga kababaihan.
Ang Daliego university pala ay ang mga mag-aaral dun ay mula first year high school hanggang college pero sa kabilang building na ang mga college. Bawat building kase may pitong palapag maliban sa napakalaking office at sa taas ng office ay ang registration at detention, sa katabing building naman ng office ay ang building ng clinic. Yung cafeteria naman malapit lang sa soccer field at gymnasium bale pinagigitnaan nila ang cafeteria. Ang cafeteria pala ay glass window kaya kita ang labas at bawat room pala ay may sarili ng cr, bawat room pa ata ay may mga aircon. May aircon kase sa room namin so I think ganun din sa iba pang room. Ano pa bang aasahan kung private school naman kase ang DU at mayaman ang may-ari kaya natural may mga aircon sa bawat room yun nga lang 'di ako sigurado kung lahat ng room dahil hindi ko pa naman napapasok ang lahat ng class room.
Ang so-social nga ng mga estudyanteng anak ng mayayaman at maaarte rin ang karamihan sakanila maliban na lang sa mga mahihirap na nakapasok dahil lang sa scholar. Hindi ko alam pero may nakikita rin akong mga mahirap na estudyante na kung umasta akala mo mayaman, ganun din sa ibang anak mayaman dahil may maaarte at matapobre pero meron din yung simple lang na aakalain mong hindi mayaman pero yun pala sobrang yaman niya, Well sabi nga expect the unexpected.
"Dito na ako." Biglang sabi ni Mhari dahilan para muntik na akong mapasigaw sa gulat, bigla-bigla ba naman kaseng magsasalita nasa gitna ako ng pag-iisip ng bigla siyang magsalita dahilan ng pagkagulat ko kanina 'buti nalang hindi ganun kalala. Itinigil nga ni Xandro ang sasakyan at agad ng bumaba si Mhari bago tumingin ulit sa amin.
"Thank you sainyo guys lalo ka na ate." Pagpapasalamat niya na ikinatango lang ni Xandro ako naman ngumiti lang sakanya.
Hindi na ako nag-abala pang sumilip sa bintana para lang makita ang tirahan nila.
Nang tuluyan ng makaalis si Mhari tsaka lang kami umabante ni Xandro. Tahimik lang kami ng buong byahe hanggang sa makarating na kami sa mansion nila.
Pagpasok pa lang namin ng mansion si tita Myrna na agad ang sumalubong sa akin habang nakangiti itong palapit sa akin. Sinabayan niya ako sa pagpasok ko sa silid namin habang nakangiti na para bang may nais tanungin.
Parang mommy ko lang, hayy! Namiss ko tuloy sina mommy. Minsan kase si Mom papasok palang ako sa bahay nandiyan na siya naglalakad para salubingin ako ng yakap sabay tanong kung kumusta ang araw ko.
Nagulat ako ng paglabas ko palang galing sa shower room bumungad sa akin ang apat na M habang naka-upo sila at lahat sila sa akin nakatingin.
"Kumusta ang first day at nasaan ang alaga mo Cassy?" Tanong ni Tita Manda sa akin na ngayo'y naka-upo sa sofa.
"Sumama sa mga barkada niya po." Sagot ko bago kumuha ng towel sa closet.
"Ay buti naman ayos na ang magbabarkada na 'yun." Kunot noo akong lumingon kay Tita Marie ng sabihin niya yun. Tila na may nasabi siyang hindi dapat sabihin sa iba dahil sa expression ng mukha niya habang nakatingin sa akin at nakadekwatro pa siya sa tabi ni Tita Manda sa sofa.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)