Myrna •Pov•
Nang matapos akong magluto at nakapaghain na rin ako sa lamesa ay agad ko ng tinawag si Cassy pero walang sumasagot kaya nagtungo ako sa sala pero wala siya dun. Pumasok agad ako sa kwarto kung saan siya at nadatnan ko siyang nakahiga habang nakatalukbong ng kumot. Linapitan ko siya at ginising.
"Cassy iha? Gising na kakain na tayo." Paggising ko pero hindi pa rin nagigising. Hahayaan ko na sana siyang magpahinga pero napatigil ako ng mahawakan ko ang kamay niyang nakalabas sa kumot.
"Iha?" Mabilis kong inalis ang kumot at sinalat ang noo at leeg niya. Jusko! Ang ang init niya, may lagnat siya.
Mabilis akong nagtungo sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo bago bumalik sa kwarto niya. Pinunasan ko siya habang nanginginig na siya. Diyos ko! nag-aalala ako sakanya naaalala ko sakanya ang anak ko. Kamukhang-kamukha niya kase, nung una ko siyang nakita nung nabangga niya ako akala ko siya ang anak ko pero napagtanto kong matagal ng patay ang anak ko pero dahil nangungulila pa rin ako sa anak ko kaya ko siya tinulungan at inalok na tumira muna dito pero mali ata ang ginawa ko dahil nagkasakit pa siya dahil sa akin.
Ang tigas kase ng ulo mong bata ka! Sinabing wag ka ng maglinis eh! Pero hindi ko naman siya masisisi kung talagang desidido siya at pursigido na matuto na kakailanganin din naman niya balang araw.
Nang matapos ko siyang punasan agad akong kumuha ng gamot at tubig at ipina-inom sa kanya. Mabuti na lang kahit nakapikit siya nalunok pa rin niya ang gamot. Kinumutan ko ulit siya hanggang leeg pero ganun pa rin nanginginig siya. Nagtungo ako sa kwarto ko at kumuha ng isa pang kumot at agad ipinakumot sa kanya pero parang kulang pa rin. Kumuha pa ako ng mas makapal na kumot at ipinatong sa sa kanya at dun na siya naging maayos.
Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok niya. Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak ko para kayong pinagbiyak na bunga, sayang lang dahil wala na siya pero kahit ganun nakikita ko naman siya sayo kaya kahit anong mangyari aalagaan at tutulungan kita. You can stay with me as long as you want Iha.
Napaluha ako habang hinihimas ang buhok niya. Napakabait niyang bata at kung ano man ang dahilan kung bakit mo sila iniwan ay naiintindihan kita iha. Wala na akong karapatan para paki-alaman pa ang buhay mo, sabi mo nga you don't want to manipulate you about your wants.
Bumalik ako sa kusina at tinakpan na lang ang mga pagkain. Nawalan na rin ako ng gana dahil sa pag-aalala kay Cassy. Ipapainit ko na lang ang mga pagkain bukas para hindi sayang.
___________
Binantayan ko siya buong magdamag kaya medyo inaantok ako ngayon habang ipinapainit ang mga pagkain. Mabuti na lang at bumaba na rin ang lagnat niya akala ko nga matatagalan pa bago bumaba ang init niya, kung sakaling hindi pa bababa ang temperature niya hanggang umaga dadalhin ko na talaga siya sa hospital pero mabuti nalang at bumaba din ang init ng katawan niya.Lumabas ako ng kwarto kung saan siya at nagtungo ako sa kusina para ihanda ang umagahan namin lalo na't kailangan niyang kumain para bumalik agad ang lakas niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko at agad tumingin sa may pintuan ng makita ko siyang pumasok.
"Naku iha okay ka na ba? Bakit bumangon ka na? Ano kumusta ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod kong tanong at agad pinatay ang kalan at linapitan siya bago sinalat ang noo at leeg niya. Ganun nalang ang paghinga ko ng maluwag ng bumalik na sa dati ang temperatura ng katawan niya hindi gaya kagabi na halos pumaso na ang sobrang init niya.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.