👑PART 25👑

87 21 0
                                        

Cassandra •Pov•

Matapos ang kainang naganap sa kitchen agad na akong pinagpahinga ni Tita Sandra dahil nalaman niya ang nangyari sa akin at dahil kay Xandro na napakakulit.

Dito ako sa kwarto nagtungo syempre magpapahinga daw ako eh pero itong diary ko ang hawak ko ngayon. Gusto ko lang kaseng isulat ang nangyari sa akin sa araw na 'to. Ngayon ko nga lang ulit masusulatan itong diary ko eh dahil hindi ko na nasulatan nitong nakaraan dahil nakalimutan ko.

Matapos kong isulat ang gusto kong isulat ay agad ko ng isinara at hinawakan ang cover nito. Dito ko sinusulat lahat ng bagay na nais kong ilabas gaya ng nangyari sa akin sa araw na 'to. Mas mabuti nang ganito kesa ishare ko pa sa iba pero ipagkakalat lang nila, sa panahon kase ngayon mahirap ng magtiwala ng basta-basta dahil kahit pa kakilala mo pwede ka pa rin niyang trydurin, kahit nga kapatid natin kaya nila tayong trydurin kung gugustuhin nila.

*haytss*

Napabuntong hininga na lang ako dahil naalala ko na naman sina mommy at daddy, I miss them so much at gusto ko na silang makita pero nandito pa rin ang takot kong maikasal sa taong hindi ko naman mahal. Ayoko kase na maging padalos-dalos sa mga desisyong alam ko naman na ako lang ang magsi-sisi sa huli.

Aanhin ko ang kaginhawaan o mga pera na 'yan kung hindi ko naman siya mahal. Sa lagay kase parang binili nila ako, kinasal nga kami ngunit walang pagmamahal sa pagitan namin, konting problema away agad siyempre dahil walang pagmamahal ayun hiwalay na. That's the reason why I choose to be alone, mas gustuhin ko pa rin ang maikasal sa taong mahal ko kahit pa na mahirap lamang siya o kahit ano pa man ang katayuan niya sa buhay ang importante mahal niyo ang isat-isa. Kung ang iba ay sinasabing practical na ang mundo lalo na sa panahon ngayon na mas kailangan ng pera kesa sa pagmamahal na 'yan dahil hindi ka daw mabubuhay ng pagmamahal na 'yan pero ako, no matter what happen mas papairalin ko pa rin ang pagmamahal dahil sa pagmamahal na sinasabi nilang hindi nakakabuhay at nagbibigay ng pagkain kaya gutom daw ang abot. Kalokohan, ang pagmamahal ang magiging dahilan natin para mas lalo tayong ganahang mabuhay kaya wag nilang sabihin na hindi rin nakakabuhay ang pagmamahal, isampal ko sa mukha ng mga mukhang pera eh. Kasabihan lang 'yun ng mga taong hanap lang ay kaginhawaan at ayaw maghirap sa buhay. Natural naman na hindi nakapagbibigay ng pagkain ang pagmamahal pero dahil naman sa pagmamahal kaya tayo nagpupursige sa buhay, aanhin mo ang kayamanan kung wala namang nagmamahal sa'yo, magiging masaya ka parin ba kung sakaling maubos na ang pera niyo? Magawa ka pa rin bang mahalin ng taong pinili mo ng dahil lang sa pera .


For me I always choose to be loved by my love ones than to choose a money that I don't sure if they are permanent.


"Oh iha akala ko ba natutulog ka na?" Napalingon ako sa biglang nagsalita si Tita Myrna pala. Hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.


"May isinulat lang po ako Tita." Nakangiting sagot ko bago ibinalik sa drawer ko ang diary ko pati ang ballpen.


"Oh siya magpahinga ka na iha." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo. Ganyan na si Tita sa akin simula 'nung pumunta kami dito, kinikiss niya ang noo ko bagay na namiss ko kay mommy, hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ni tita pero naging malambing naman siya sa akin isang araw.



"Opo Tita." Nakangiting tugon ko. Tumango muna siya sa akin bago lumabas ng kwarto namin.

Nahiga na rin ako at tumingin sa kisame. Sa ilang buwan kong pag-stay dito lagi kong napapansin ang masayang mukha ni Tita Myra sa tuwing nakikita niya ako pero pag may nangyari sa akin na gaya na lang kanina kahit hindi niya sabihin ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala. Lagi kong iniisip na siguro dahil kamukha ko lang yung anak niya pero iba naman ang sinasabi ng puso't isip ko sa tuwing nakikita ko ang expression niya.


My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon