Cassandra •Pov•
Magkasabay kaming apat na nagtungo sa cafeteria for break time. Ako, si Mhari, Xander at Xandro at tulad kahapon may mga tumitiling mga tao sa paligid habang ang tingin ay sa dalawa naming kasama pero kami ni Mhari para kaming basura sa tingin nila yung tipong nagheheart ang mga mata nila kapag dumapo kina Xander at Xandro pero kapag saamin biglang nagiging kidlat na parang may galit saamin at nais kaming tustahin.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil sina Xander at Xandro habang nakatingin sa gym kaya pati ako nakitingin na rin. Nakita ko na naman ang mga dating kaibigan ni Xander noon hanggang ngayon, palapit sila sa amin at kasama pa nila ang babaeng nakita kong kasama rin nila, isa rin siguro sa mga kaibigan ni Xander.
"Hey dre?" Bati ng dalawa ng makalapit sila sa pwesto namin. Nagfist bump silang tatlo maliban sa isang babaeng kasama nila.
"Yow wazzuppp?" Nakipag apiran naman yung babae kay Xander na ikinasilay ng ngiti niya dahilan para mapakunot noo ako. Ka-close nga niya ang mga yan biruin mo sa tanang buhay ko na kasama ang demonyong yan ngayon ko lang nasilayan ang simpleng pagngiti niya at dahil sa babaeng yan.
"Ipakilala mo naman kami sa mga kasama mong chicks." Sabi ng mas mataba. Hindi naman as in na mataba sakto lang. Lumingon naman sa amin si Xander habang nakangisi.
"Sure, this is Mharinel and Cassandra may Girlfriend." Pagpapakilala niya na ikina-nganga ko. Hindi lang pala ako kaming lahat maliban lang kay Xander na ngingisi-ngisi pa at yung babae naman hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya ng sabihin yun ni Xander.
"Meet my friends Markus Monteverde." Turo niya sa pinakataba sakanilang tatlo. "And this is Justine Labrusca together with his cousin Maureen Labrusca." Pagpakilala niya sa dalawa. Okay Maureen pala ang pangalan niya, sound demonic name hehe.
"Hi I'm Justin Pogi, please call me Justin baby." Sabi ni Justin sabay kuha sa kamay at hahalikan sana niya pero tinampal ni Xander ang kamay niya kaya nabitawan niya ang kamay ko.
"Dre." Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kaibigan niya. "She's my property, so dude back off." Sabi ni Xander na ikinatawa ni Justin. Maka pagsabing girlfriend daw pretend naman if I know joke lang ang mga sinasabi niyang yan. Eh bakit nga ba ako naapektuhan tsk!.
May problema ata talaga tong puso ko, nagpapaniwala sa sinasabi ng kumag na alaga ko.
"Okay, hahaha 'to naman as if aagawin ko siya sayo." Tumatawang sabi niya. Napayuko na lang ako dahil sa hiya, yes nahiya ako kase parang sinabi niyang hindi ko siya papatulan dahil pangit siya ganun.
"Hello Cassy." *Wink*
Nagulat ako ng biglang kumindat yung nagngangalang Markus sa akin."Pfft!" Napalingon ako kay Mhari ng marinig ko ang pigil niyang tawa.
"Ano dito na lang ba kayo?" Tila naiiritang tanong ni Xander.
"Ah no. Makisabay na kami sainyo." Sabi agad ni Maureen kaya ayun sabay-sabay na kaming nagtungo sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ni Xander.
*Kyahhhhh!*
*buo na ulit sila!*
*omo my fafa Markus!*
*my Hot Boyfriend Justin!*
*can u be mine Xander!*
*ang pogi din ni Xandro?*
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.