Alexander •Pov•
Tahimik akong nakatingin sa kawalan habang ang mga kasama ko naman ay kanina pang nagdadaldalan. Kasama ko ang dalawang tukmol pero si Maureen wala siya dito sa tambayan namin. Kaibigan namin siya pero ni minsan hindi namin siya pinayagang pumasok dito sa tambayan namin.
Ang tambayan naming tatlo ay malapit sa clinic ipinagawa ko ito dahil gusto kong mapag-isa noon sa tuwing nalulungkot ako pero wala talaga akong mailihim sa dalawa kong kaibigan kaya nalaman din nila. Ayokong pumunta dito si Maureen dahil ang gusto ko ang unang babaeng papasok dito ay ang magiging asawa ko. Gusto kong sabihin sakanya lahat ng dahilan kung bakit ko pinagawa ito. Madalas akong nagpupunta dito sa tuwing walang pasok ang akala nila mommy nagkukulong lang ako sa kwarto pero hindi nila alam pagkatapos kong maglaro sa gym ay dito agad ang pinupuntahan ko.
"Dude saan ka nakatingin?" Tiningnan ko ng masama si Markus ng inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at tumingin sa titignan ko.
"None of your business!" Inis kong sagot.
"Anong none of your business ka diyan, dude kilala na kita kapag ganyang malayo ang tingin mo at tahimik at kapag tinatanong ay parang galit meaning nun may problema ka." Sabi niya kaya natahimik ako at bumuntong hininga.
"See tama ako?" Si Markus
"Bakit dre ano bang problema?" Tanong naman ni Justin sa akin at agad silang tumabing dalawa sa akin.
Napailing na lang ako dahil alam kong hindi nila ako tatantanan. Kahit mga bugok 'tong dalawang 'to ay marunong rin naman silang makiramdam.
"Si Cassy." Mahinang sabi ko bago bumuntong hininga.
"What about her?" Agad na tanong ni Markus.
"Sus miss mo na agad ang girlfriend mo." Tila nang-aasar na sabi ni Justin.
"Tsk, not like that." Matamlay at may halong inis na sagot ko sakanya.
"Eh bakit nga?" Agad na tanong nito.
"I don't know how to explain." Sagot ko dahil ang totoo mula kaninang umaga siya ang iniisip ko. Maraming katanungan ang gusto kong malaman tungkol sakanya she's freaking making me crazy right now.
"Then explain it, step-by-step." Aba't galing niyo step-by-step pa talaga.
"Oo nga malay mo matulungan ka namin." Agad namang sang-ayon ni Justin.
Isang mahabang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago tumingin sa dalawa.
"Cassy is not may Girlfriend-
" what?/Ano?" Agad na sabat nilang dalawa. Tinignan ko sila ng masama dahilan para tumahimik sila. Hindi ko pa pala nasabi sa dalawang to na hindi ko nga pala tunay na gf si Cassy tanging si Maureen lang ang nakaalam.
"Patapusin niyo muna ako o hindi!" Inis kong sabi sakanila.
"Okay hindi na kami sasabat, geh continue." Sabay wagayway sa kamay nito sa harapan ko.
"She's not my real girlfriend because I use her to avoid Pauline at para na rin makamove-on sa past ko pe-
"What! ginamit mo lang siya?" Agad na sabat ni Markus.
"Kasasabi lang na wag sumabat eh." Agad namang sinamaan ni Justin si Markus kaya tumahimik din agad ang tukmol.
"Ginawa ko rin 'yun sakanya para mapalayas sa bahay pero." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago magsalita ulit. "Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng awa nung nalaman kong nawalan siya ng malay noon dahil sa Pauline na 'yun, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari sakanya 'yun. Gustong-gusto kong magsorry pero pinangungunahan ako ng pride ko at sa tuwing nakikita kong masaya siya kasama ang kapatid ko feeling ko gusto kong manakit."
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)