👑PART 4👑

144 49 2
                                    

Cassandra •Pov•

Nag-aayos na kami ni Tita para sa aming pagpunta sa Baguio ngayon and I'm so very excited lalo na't gustong-gusto ko talagang makapunta sa Baguio. Since bata pa kase ako pangarap ko ng makapunta dun at ngayon lamang ako makakapunta kaya lang bilang isang baby sitter the hell pero ayos na rin yun kaya nga lang sa isang hayss what should I call him a brat.




Nga pala naglagay ako ng pekeng pimples sa mukha ko at may suot na rin akong eye glasses. Ayoko kaseng ipakita ang totoong mukha ko baka kase pinapahanap ako nina Mommy sa mga pulis at baka may makakita sa akin at sabihin kina Mommy, naku ayoko pang umuwi I'm just enjoying my life right now and I want to have more experience sana lang hindi ako magkamali sa desisyon kong ito.



"Ganyan na ba talaga ang outfit mo iha?" Tanong ulit ni Tita sa akin. Ilang beses na ata niya akong tinanong tungkol sa ayos ko alam kong nagtataka pa rin siya dahil sa hitsura ko pero hindi nalang din siya umimik pa.




"Opo Tita." Sagot ko bago kinuha ang bag kung saan nakalagay ang di karamihang mga damit na binigay ni Tita sa akin.



"Sabagay maganda ka pa rin naman." Sabi niya kaya napangiti na lang ako at napailing.




"Si Tita talaga binola pa ako." Nakangiting sabi ko bago tinulungan siyang buhatin ang mga gamit niya at lumabas ng bahay.




"Hindi kita binobola iha, totoo ang sinasabi ko." Sagot ni Tita bago isinara ang pintuan at nilock.





"Kung ganon man salamat na lang po Tita." Sabi ko dahil aba tatanggi pa ba ako kung sinabi na ni Tita ang totoo aba sabi nga sa akin ni kuya pang beauty queen daw ang ganda ko kaya be proud of yourself at alam kong hindi siya nagsisinungaling ng sabihin niya yon.




Lumabas kami ng gate at nag-abang ng taxi na dadaan. Natigilan ako ng may makita akong nakablack na tao sa may poste malapit sa street light. Kilala ko siya, isa sa mga body guard ni Daddy na humahabol sa akin. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin kung tatakbo ba ako o magtatago buti na lang may dumaang taxi at pinara ni tita kaya dali-dali akong pumasok baka kase makita niya ako.




"Sa bus station kuya." Sabi ni Tita sa driver kaya dinala niya nga kami dun. Medyo natataranta pa rin ako dahil hindi pa kami nakakaalis ng laguna.


Gash baka mahuli nila ako, damn!



Natigilan ako ng maalala kong naka disguise nga pala ako kaya hindi nila ako basta-bastang makikilala. Ang shonga ko talaga kahit kelan. Dahil dun kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.






Nakarating na nga kami ng bus station at buti na lang nakakuha agad si Tita ng ticket para sa aming dalawa. Kaya nakasakay kami ngayon dito sa bus papuntang Baguio.




I'm little bit happy and nervous pero mas matimbang ang excitement na nararamdaman ko habang nakatingin sa nadadaanan namin.



This would be exciting!




"Matulog ka muna iha dahil baka hapon na tayo makakarating sa Baguio." Sabi ni Tita kaya sumandal ako sa upuan ko at pumikit. Maaga kase kaming gumising kanina para daw makasakay kami agad at maagang makarating dun.





Tumagal pa ng ilang minuto habang naka pikit ako bago ako tuluyang kainin ng antok.













________________

"Iha gising, nandito na tayo." Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin ni Tita.


Nagising ako at nakitang dalawa na lang kami ni Tita ang nandito sa loob maliban sa driver at ang condoctor niya. Lumabas na kami ni Tita at sumakay ng taxi papunta sa bahay ng magiging amo ko namin pala.





My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon