Cassandra •Pov•
Agad kong isinuot ang gown at sakto. Fit na fit sa akin galing kong pumili. Ang ganda, si Xander kaya!
"Ang ganda mo iha." Napalingon ako kay Tita ng pumasok siya. Nakangiti siya pero naiiyak naman.
"Bakit po kayo naiiyak Tita?" Takang tanong ko bago siya linapitan.
"Wala ito iha naaalala ko lang ang anak ko sayo." Sagot niya kaya agad ko siyang niyakap.
"It's okay Tita, okay lang naman po sa akin na tawagin niyo akong anak. Diba sinabi ko naman po na tawagin niyo lang akong anak kung iyon ang magpapasaya sainyo." Sabi ko sakanya habang nakayakap pa rin.
"Namimiss ko lang kase siya anak." Sagot niya at agad hinawakan ang kamay ko.
"Sige na iha hinihintay ka na ni Xander sa baba." Sabi niya kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sakanya.
"Salamat Tita." Ngumiti muna ako sakanya tsaka hinalikan sa noo bago nagpaalam.
Pagbaba ko dalawang naggwagwapuhang lalake ang bumungad sa akin. Grabe hindi ko rin maitatangging crush ko 'tong si Xandro kaso mas crush ko yung kuya niyang may pagkamasungit.
"Ang ganda mo ate." Agad na sabi ni Xandro ng makita niya akong palapit sakanila.
"Thank you." Nakangiting sagot ko nabaling ang tingin ko kay Xander na nakatingin lang sa akin pero 'di nagsalita.
"Ano tara na?" Pagpukaw ko sa atensyon ni Xander na titig na titig talaga sa akin.
"Suss kuya saan ka na ba nakarating?" Natatawang sabi ni Xandro sakanyang kuya pero inirapan lang siya nito.
"Ano bukas na tayo aalis?" Tinaasan ko sila ng kilay ng hindi sila kumilos pero ng sabihin ko 'yun ay agad silang tumalima. Naunang naglakad palabas si Xandro magkasabay naman kaming sumunod ni Xander.
"Ingat kayo mga Bata." Pahabol ni Tita Myrna ng tuluyan na kaming makalabas.
"Opo!" Sigaw namin pabalik.
Iisang sasakyan na ang sinakyan naming tatlo. Sa likod umupo si Xandro dahil ayaw ng kuya niyang katabi siya. Sinabi ko nga kanina na ako na lang sa likod pero pinandilatan lang niya ako ng tingin.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sakto naman ang dating ni Mhari.
"Ganda na'tin ah." Puri ko sakanya dahil ang ganda-ganda niya sa suot niyang gown na kulay white at may mga silver lining ang ganda din ng ayos niya light make-up lang mukha siyang Princessa may pagka chubby siya pero bumagay naman sakanya kung magiging sexy lang siya baka matatalo pa niya ang ibang modelo sa ganda niya.
"Thank you ate ikaw din naman." Nakangiting sabi niya.
"Yeah thanks." Nakangiting sagot ko.
Pagpasok namin sa may venue ay agad ng bumungad sa amin ang maingay na music ganun din sa mga taong maiingay. Agad kaming umupo sa pinakagilid na upuan at siyempre may round table na. Apat lang kami dito sa table pero may tatlo pang upuan na bakante.
Kinuha ko ang wine na ibinigay ng waiter. Social mayaman talaga ang may-ari ano biruin mo may pa waiter waiter pang nalalaman pero ganun talaga kapag private ang school.
BINABASA MO ANG
My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]
Teen Fiction[Not Edited] THIS STORY IS AVAILABLE IN FINOVEL, NOVELAH AND STORYON... The story of two royalty's who fall in love with each other at the wrong time without knowing that they are really destined for each other.
![My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/239636889-64-k619578.jpg)