27th CHAPTER

94 8 0
                                    

XXVII


Bumaba ako ng kotse at isinara ang pinto. Huminto pa muna ako saglit at tinignan sina Kill at Hiede na tumatakbo papunta rito sa akin.

"Ate! I miss you."

"Ate." Niyakap naman agad ako ni Kill. Yumuko ako para iyakap din siya.

"Na miss ko rin kayo." Ngiti ko. Si Papa naman ay napansin ko roon sa labas ng bahay nila.

Pumunta na kami papasok sa gate.

Mayroon kasi kaming dinner kasama ang mga pamilya nila Papa rito at narito rin ang iilan kong pinsan sa Ama. Pero, mas close ako sa mga pinsan ko sa Ina, dahil parehas kami ng mga ugali. Mga mabilis mapikon o mahilig gumawa ng masasama at madali kong makasundo ang mga 'yon. Sa tingin ko kasi ang pinsan ko sa Ama ay mga mababait naman o kaya mahinhin.

"Good afternoon po." Panimulang bati ko sa kanila.

"Magandang hapon din hija." Ang asawa iyon ni Papa at nilingon ko lang at maliit na ngiti ang aking pinakita. Pinapaupo naman nila ako para mas maayos na makapag-usap.

"Mabuti ay pumunta ka 'nak." Ani Papa at nilingon ko siya. "Ang Ate mo kumusta naman ang kanyang pag-aaral. Malapit na siya magtatapos at masaya ako dahil pinagbutihan niyo." Ngiti pa niya. Nag-uusap lang din ang ilan sa tabi at may nagsitayuan naman para siguro'y maayos ang aming pag-uusap.

Mamaya pa naman kasi magsisimula ang aming dinner at sa loob iyon gaganapin. Nasa labas pa muna kami at nag-uusap lang dito. Si Kill naman ay nasa tabi ko lang na nakaupo, at si Papa ang nasa aming harapan.

"Maayos naman po." Ngiti ko.

Kaya rin naman ako pumayag na pumunta rito ay para makausap si Papa tungkol doon sa nangyari kay Ollie. Kung totoo nga ba na ako ang dahilan kaya iyon ginawa sa kanya? Parang hindi ko man lang si Papa matanong nang tungkol doon.

Umayos ako sa pag-upo at ningitian si Kill na ipinapakita niya ang nilalaro.

"Mabuti naman." Sambit ni Papa.

"Pa," tawag ko. "Nais ko po sanang malaman kung totoo ba na ako ang dahilan kung bakit mo... kung bakit mo sinaktan si Ollie?" Napayuko agad ako nang sabihin iyon. Nang inangat ko ang paningin sa kanya ay seryoso lang siya na nakatingin sa kawalan.

Tinignan ko pa roon sila Tita na nasa loob ng bahay at kitang kita rito, dahil sa glass window nila.

"Hindi naman sa... pero kasi 'nak ay prinotektahan lang kita sa kaniya dahil hindi siya magandang inpluwensiya sa iyo."

"Pero, bakit niyo ginawa iyon sa kanya? Kung prinotektahan niyo lang po ako e, bakit sinaktan niyo siya? Hindi po tama 'yon."

Gustuhin ko man na hindi maging magalang sa pagsagot ay hindi ko talaga si Papa masasagot nang hindi nirerespeto. Dahil tinuruan niya kami noon na maging marespeto.

Ang gusto ko lang din naman ay mahinahon para mas maayos na maihahayag niya o maipaliwanag ang mga nangyari.

"May iba pang mga dahilan kung bakit." Nahinto si Papa sa pagsalita at napatingin kami kay Kill nang bumaba sa upuan. at pumunta roon sa loob ng bahay.

Mas mabuti nalang na siya'y umalis dahil hindi niya rin maintindihan ang aming pinag-uusapan. At ayaw lang namin siyang paalisin kanina, dahil may sarili naman silang desisyon kahit pa bata, at dapat sila ay pinakikinggan at hayaan.

"Nang dahil sa pagiging abusado niya sa ina niya. Hindi na niya sinusunod at palagi pang basagulero, kahit saan ay napapaaway at ang estupido niyang tao." Nanggigigil na sambit ni Papa pero kinakalma niya ang sarili. "Ayaw ko siyang magkagusto sayo dahil hindi siya karapat-dapat para sa iyo anak. Maayos ka, mabuti sa pag-aaral at may respeto pero siya ay..." Napailing nalang si Papa.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon