BEGINNING

454 25 3
                                    


Bukas? Ano ba ang mayroon bukas.

Bukas lang naman ang simula ng pasukan namin. Magsisimula na naman ang nakakatamad na araw.

“Hey Kly! Good morning.”

Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si Brai sa bahay at pumasok ito sa may sala kung saan ako nakaupo. He's smiling and I rolled my eyes. Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa sofa at umusog ako nang kaunti.

Ayaw kong tumatabi at lumalapit siya sa akin dahil may kasalanan pa siyang ginawa.

“Buddy, sorry na.”

Hindi ko pa rin siya pinapansin at hindi rin kinakausap. Itinuon ko nalang sa television ang aking paningin.

“Kausapin mo naman ako.”

Nilingon ko siya at tinarayan. Kinuha ko ang remote na nasa mesa sa harapan para palitan ang palabas.

“What's wrong?”

Sabay kaming napalingon ni Brai sa likuran nang biglang magsalita si Ate. Kaka-baba niya lang. “What's wrong with you, two?” Dagdag niya na nakataas ang kilay.

Hindi ako nagsalita at ibinalik ang paningin sa television.

Uhm, Ate kasi..” Panimula ni Brai “Si Klyzia hindi ako kinakausap.”

Nakatuon pa rin ako sa panonood at walang pake sa kanila, kung ano man ang kanilang pag-uusapan diyan.

“Hoy Derp!” Mahinang tulak ni Ate sa balikat ko. “Ang aga-aga pa bago ka magalit-galitan diyan. Meron ka ba, hoy!” Asik nito. I just smirks. “'Di ba, bukas na ang pasukan niyo, Ay luh?”

Tumahimik nang ilang segundo dahil hindi ko nga sila pinapansin at hindi rin tinitignan.

“Okay, problema niyo na pala 'yan. Mayroon siguro si Derp kaya nagkakaganyan.” Narinig ko ang mahinang tawa ni Ate. “Aalis na muna ako.” Dugtong pa nito.

Ang tahimik na at tanging television nalang ang nagpapa-ingay rito.

“Kasi Ate, nung isang linggo hindi ko siya sinipot doon sa The Nutty Bunch kaya ayan nagalit.” Bulong ni Brai kay Ate, pero naririnig ko mahina lang.

“Kaya naman pala! Nung isang linggo pa naman pala 'yon pero bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pinapansin.” Sagot ni Ate na pabulong din, kahit na mahina ay naririnig ko. Bulong-bulungan pa kayo riyan! She laughed. “Ewan ko sa inyo riyan alis na nga ako. Mom! I'll go!”

“Buddy,”

Kinakausap pa rin niya ako at hindi ko pa rin siya pinapansin. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa table at pasimple ko narin na tinignan si Brai na nakahalukipkip sa kinauupuan.

Wala naman sa akin iyong nangyari nung isang linggo at lumipas narin. Hindi na ako galit, nagtatampo lang. Pinapaantay ka ba naman doon sa harapan ng TNB at hindi man lang nagpapakita kahit anino niya.

Ang tagal kong naghintay at nakatunganga lang doon. Kahit ilang beses ko na siyang tinawagan ay hindi niya sinasagot at ang huling text niya sa akin nun ay 'otw' Damn! Tapos nung ma kontak ko na siya ay sinabi niyang may emergency lang.

“Hoi, buddy.”

Hinawakan niya ang kamay ko at pilit kong inaalis ito at dumiretso sa itaas.

Kainis talaga at bukas ay pasukan na pero, bukas ko narin pala makikita yong mga kaibigan ko mula 7th grade. Magkaklase kami nun at ngayong 10th grade ay magkaklase pa rin kami.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon