1st CHAPTER

302 22 1
                                    



“Derp, bilisan mo na riyan ma-late na tayo! Ang bagal kasi kumilos!”

Nagmamadali akong pumasok sa kotse nang sumisigaw na si Ate at pinaandar niya agad ang sasakyan. Napakunot ang noo ko sa inis dahil hindi ako masaya sa unang pasukan at kung anu-ano narin ang mga pinagsasabi ni Ate habang nasa byahe kami at binalewala ko lamang iyon.

Tinignan ko ang phone nang maalala. Ngayon ko lang kasi ito nahawakan mula pagkagising dahil nagmamadali na ako kanina. At iyon nag chat sila sa group chat namin.

Fabulously Five Fam.

Eumerriah: Hey Fabs! Saan na kayo?
Kanina pa ako nandito sa tambayan.

Yaazanyah Faith: Ito na po Otw

Kier Orion: Hello.

Eumerriah: Bilisan niyo na riyan!
Marami na mga student dito. H'wag naman kayo sana mag pa-late.

Kier Orion: Nagagalit agad. Papasok na ako sa gate. Nasaan ka Eumi?

Yaazanyah Faith: Narito na ako sa labas

Eumerriah: Nandito nga sa tambayan Kier, punta kana rito.

Eumerriah: Aiya, diretso kana dito. Bilisan niyo naman baka ma late tayo.

Yaazanyah Faith: Si Kly nandiyan na ba?

Kier Orion: Wala pa.

Eumerriah: Wala pa rin. Late na naman 'yon panigurado. Ito kakarating lang din ni Brai.

Brylle Jaiden: シ︎

Eumerriah: Aiya, tawagan mo nga muna si Kly. Hindi man lang siya nagrereply oh, 4 minutes nalang.

Iyon ang mga nabasa ko at higit limang minuto narin akong late. Bakit kasi nagpupuyat ako kagabi e. At saktong hininto ni Ate ang kotse.

“Bilisan mo na riyan Derp! Wala ng mga estudyante oh! Nasa loob na ng mga klase nila!”

Nagmamadali akong lumabas. Mabuti nalang bukas pa ang gate sa school namin at dumiretso lang ako sa loob.

Saan na nga ba yong room namin?

Room 304 damn! Sa itaas pa at tumakbo naman ako. Mabuti nalang magaan ang backpack ko, hindi ko rin naman dinala lahat ng notebook ko.

First day pa lang, kaya kaunti palang siguro ang mga susulatin namin.

Halos ma-dapa-dapa pa ako sa pagtatakbo at napahinto sa labas ng room namin. Damn! Sarado! Siguro ay nagsisimula na sila. Kumakabog kabog ang dibdib ko sa takot at kaba.

Nasa loob sila 'di ba? Shit! Sana may lumabas. Mas lalo akong kinabahan nang maalala na masungit ang adviser namin na si Ma'am Mitchel. Kabado pa rin akong nakatayo sa labas, may mga dumadaang students. And nakabukas kasi ang bintana ng room namin kaya narito ako sa kabila pumuwesto at nakahilig sa pader.

Nahihiya akong lumapit o magpakita.

“Buddy?” Nagulat ako kay Brai, nakatayo at nakayuko lang kasi ako dito sa gilid at hindi pa pumapasok. Nilingon ko siya. “Ano pa ang ginagawa mo rito? Bakit ayaw mo pa pumasok?” Aniya't sinilip ang room namin.

Hindi kasi kami magkaklase at siya lang ang na-iba sa aming lima. Kaklase niya naman si pinsan, Codie.

“Nandoon na pala sila Aiya sa loob e, bakit ayaw mo pa pumasok.” Tinignan ko lang siya at napaatras ako nang biglang bumukas ang pintuan.

Tumalikod ako agad at gumaya rin si Brai sa akin na natatawa pa. Kainis!

“Kainis kasi na late ako!” Aniko at palihim na tinitignan kung sino ang lumabas sa room. Si Ma'am buti hindi na siya tumingin dito banda. “Ano tinatawa-tawa mo diyan! Kainis!”

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon