32nd CHAPTER

94 8 1
                                    

XXXII


“Hoy!”

Napalingon ako sa sumigaw at sumusunod sa akin si Brai na dala rin ang kanyang bisekleta.

“Hoy ka diyan!” Asik ko at binilisan niya naman ang pagpadyak niya at nilagpasan ako.

Narito kami sa village park at pupunta ako sa mini store dito sa amin para bumili. Bakasyon pa rin naman ngayon at pagkatapos pa ng bagong taon ang aming pasukan.

“Ang bagal mo magpatakbo.” Sambit niya at bumaba sa bisekleta niya at ako naman ay dumiretso sa tabi para mag parking.

“Wala 'kong pake.” Pagsusungit ko. “Anong gagawin mo rito?”

“Syempre bibili. Ano ba ang gagawin natin dito, magnakaw?” Ngisi niya at hinampas ko siya sa braso niya.

“Tarantado!” Mura ko.

Nauna siyang lumakad papunta sa loob ng store at binuksan ang pintuan at pinauna akong pumasok. Naglinga-linga lang kami at naisipan na kumuha na ng mga bibilhin.

Hindi mawala-wala sa isip ko ngayon ang babaeng tumawag na naman sa akin. Nagparamdam ulit siya at marami raw siyang nalalaman tungkol sa akin at ako'y hinahanap nila. Kapag hindi ko raw siya pinabigyan na bastedin ko ang lalaking may gusto sa akin ay ipapaalam na niya sa kanila para mahanap agad ako. Sino ka ba kasing babae ka? Gumagawa lang siguro ng mga haka-haka ang babaeng ito, pero hindi ko maiwasan na mag-alala dahil sa mga sinabi niyang hinahanap ako.

Ano ba kasi ang mga ginawa kong kasalanan? May nagawa ba ako dati?— Alam kong marami talaga akong nakaaway dati... pero ano, hanggang ngayon hindi pa rin nila malimutan 'yon? Damn! Bakit nila ako hinahanap? May nagawa ba akong mali? Baka nagkakamali lang sila at ako ang kanilang napagbintangan.

Ayaw ko rin naman na e open-up ito sa kanila Fabs kasi ayaw kong madamay pa sila sa hindi maipaliwanag na kasalanang ito.

“Hoi! Tulala ka riyan.” Pinitik ni Brai ang noo ko. Sinamaan ko lang siya nang tingin dahil nagulat ako sa ginawa niya. “In-love na in-love ka na naman.” Pang-aasar niya.

Kinuha ko ang chuckie na sa harapan at mga snacks. “Porke tulala in-love agad?”

“Oo! Kasi iniisip mo siya. Huwag ka mag-alala Mahal ka nun.” Ngisi niya't kumuha rin ng snacks.

Pumila na kami sa counter para bayaran ang mga binili namin. Sinabi niya sa akin na mag-usap muna kami rito sandali dahil may itatanong siya.

“Mag kwento ka naman kung paano naging kayo. Syempre dahil kaibigan kita at si Ravyn ang una mong boyfriend dapat lang na alam ko... Baka sasaktan ka niya.” Agad na salita niya at umupo kami rito sa maliit na table sa loob ng mini store.

“Mahabang kwento.” I grinned and drank a chocolate chuckie.

“Paikliin mo.” Aniya, “Kung hindi pa nga sinabi sa akin ni Aiya na kayo na pala ni Ravyn ay hindi ko malalaman, Nagulat ako sa kwento nila na nagbakasyon ka raw sa probinsiya at kasama mo si Ravyn, so, nabigla ako kung bakit ka kasama at doon lang nila sinabi na kayo nang dalawa.” He said and leaned back in his chair.

“Ah, hindi ko pa pala nasabi sa iyo noon. Wala ka naman kasi n'on nang sabihin ko sa kanila.” I said. He shakes the pineapple juice drink and drank it. “Naging kami kasi nanligaw siya.”

He chuckles. “Malamang. Sino ba hindi nanliligaw?” Natawa pa siya. “Sige na, mag kwento ka nga Buddy. Para naman mapagkatiwalaan ko 'yang si Ravyn, baka naman..”

“Oo na. Sige na! Tsaka malabo 'yang sinasabi mo na sasaktan niya ako, hindi naman siya ganoon dahil seryoso siya sa akin.”

“Porke seryoso, hindi na magloloko?”

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon