15th CHAPTER

112 11 0
                                    


“Ravyn, lagi mo nalang akong hinahatid. Next time, h'wag na malapit lang naman ang bahay namin.” Panimula ko.

Nakakahiya naman kasi na palagi nalang niya akong hinahatid.

Gusto kong itigil niya 'to!

Ayaw kong masanay na nariyan siya para maghatid sa akin at baka isang araw ay iba na ang hinahatid niya, 'di ba! Ayaw ko rin na mahuhulog ang loob ko sa kaniya.

“It's okay. Doon din naman ako dumidiretso sa kanila ni Tita. Doon ko kasi sinusundo si Rhia.” He replied.

Napakainit ng panahon ngayon at narito nga lang kami sa gilid dumadaan para 'di mainitan.

“Ganoon ba.” Maikling sagot ko.

Hindi mawala-wala sa utak ko ang nangyari kanina. Bakit ka ganyan Riedun! Sayang lang dahil ako pa ang ginusto mo e, hindi ako ang taong magustuhan ka dahil lang sa sinabi mong 'yon. Marami namang iba riyan. Hindi ko pa rin iniisip ang pag-ibig sa ngayon kaya sana'y iba nalang ang gusto mo, baka masaktan lang kita.

Ano kaya ang nagustuhan mo sa'kin? Dahil din ba sa mukha kong 'to? Kung ganun isa ka rin sa mga dating ibinasted ko. Nakakasawa nalang na sinasabing nagustuhan ako dahil sa gandang mukha ko o ano pa man.

Mahal ko ang sarili ko, sa punto na ayokong mapunta siya sa iba heh.

May napansin na naman ako sa dulo ng daan at tinignan ito. Sabi na nga ba! Narito na naman si Jayne.

“Nandiyan si Jayne oh.” I pointed

Nagkatitigan kami at binaling niya rin sa harap ang tingin niya. “Huh?”

“Jayne!” Tawag ko at kumaway.

Tumingin si Jayne sa'min at kumaway siya pabalik. Palagi nalang niyang sinusundo si Ravyn. Siguro'y magugustuhan 'yan siya ni Ravyn dahil mabait at maganda siya. Ako ay hindi mabait... maganda lang.

“Hi, Kly!” Nagyakapan kami.

Ngumiti ako. “Kanina ka pa rito?”

“Hindi ah, ngayon lang din.” Ngiting sagot niya sa akin.

Pagkatango ko ay nagsimula na kaming lumakad nang... nabaling ang tingin ko kay Ravyn na tahimik. Hindi naman bago iyon dahil ganoon talaga siya, napakatahimik. Pero kaibigan niya rin si Jayne 'di ba? Mas nauna pa nga siguro silang magkakilala.

Tahimik lang kaming tatlo at naiisip kong parang 3rd party ako sa kanilang dalawa. Bagay sila, Damn it!

Gusto kong bilisan ang paglalakad ko!

Kaso, ayaw ko na mauuna dahil ano... hindi ko alam. Siguro'y masaya silang nag-uusap kapag sila dalawa? Maybe, at kay Jayne niya rin siguro nailalabas ang kadaldalan at kakulitan niya?

Uh, okay.

“Sige bye, dito na ako.” Bilis kong sabi at tumakbo na sa streets namin.

Hindi ko na sila nilingon at binuksan ko bigla ang gate ng bahay namin at isinara na ito. Napasandal ako sa gate nang nasa loob na. Damn!

Ang puso ko ay nagwawala na naman, hindi ko maintindihan sa sobrang daming rason kung bakit nagkaganito 'to! Napahawak ako sa dibdib ko at pinaramdaman ang bawat tibok nito!

Ewan ko ba! Kung kinikilig ba ako o galit sa nararamdaman ko ngayon.

Ang sarap lang manuntok.

“Mom, pupunta po muna kami sa kanila.”

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon