20th CHAPTER

115 12 0
                                    

XX


“Tita, pakisabi nalang po sa kanila ni Momma na, aalis na ako.” Paalam ko.

Magtanghali na akong nagising. Hindi kasi ako nag alarm! Kainis!

Kanina pa nag text si Ravyn na nandoon na raw sila sa VHS.

Mamaya pa ako pupunta roon dahil dadaan pa ako sa school namin para panoorin sila Buddy at suportahan sa laro nila. Ala-una y media pa naman ang simula ng kick-off soccer game at nagsisimula na siguro ngayon ang basketball nila Buddy.

“Kuya dito nalang po.” Sabi ko sa taxi driver at nagbayad tsaka bumaba na.

Marami nang mga tao ang naparito at mahihirapan kang makapasok agad sa loob. Mga limang paaralan ang dumayo rito para sa inter high, kaya hindi mo agad makikita sila Fabs.

Open gate pa naman at kahit hindi tagarito ay pwedeng pumasok sa loob.

Nakikisingit ako sa mga tao at nagmamadaling makapasok baka, matatapos na ang laban nila Buddy.

“VHS! VHS!”

“GO! HHS! GO! HHS! GO!”

Ang ingay agad ang bumungad sa'kin sa pagpasok sa loob ng paaralan. At marami pa ang napapatalon kapag may naka-shoot. Nakatumpok doon ang mga estudyante sa may enter and exit Basketball court at napatigil muna ako rito sa harapan ng court dahil hindi alam ang gagawin.

Saan ako dadaan nito?

I just wear a blue jeans, white shirt top and a blue long sleeve plaid shirt. And my cap will never be forgotten.

May bigla akong napansin sa crowd at namumukhaan ko na kakilala ko ito dati. Wait a damn minute! Narito rin ba ang mga taga, CMHS?

“Klyzia!” Tawag niya. Isa siya sa mga kaibigan ko roon sa CMHS at kaklase ko rin nung elementary. Kanina pa kasi siya nakatingin sa akin at sinisigurado niyang ako nga ito.

Sabay kaming lumapit.

“Kumusta ka na?” He asked.

“Ito ayos lang. Isa rin pala kayo sa lalaro dito?”

“Ah Oo, tumangkad kana ha.” Ngiti nito at lumapit sa amin ang iniwan niyang kasama niya roon. “Klyzia ito nga pala ang mga kaklase ko.” Sabi niya sa dalawang babae at sa isang lalaki na kanyang kasama.

Pinakilala niya ang mga ito sa akin pero, hindi ko masiyadong narinig ang mga pangalan nila dahil sa ingay at pagsisigawan doon sa court.

Nakikinig lang ako sa sinasabi nito pero ang utak ko ay naroon sa court.

Saan ba kasi ako dadaan? Punuan na!

“Si Klyzia ba 'to?” Dinig kong sabi nang may dumaan sa gilid namin at nag-uusap lang kami ng kaibigan ko.

“I don't know.” Silip nito.

Nagulat ako. Shit! Sila Dobu ay narito rin... kaya nga kinabahan ako kanina, baka kasi magsasapakan na naman sila. Kidding. Kasi ano, kaklase nila Dobu ang dating crush ko pero, crush ko pa rin naman 'yon sa ngayon. Ay hindi na pala dati na 'yon e, pero.

“Hoi narito ka rin pala.” Salita ni Dobu nang mapagtantong ako ito.

“Malamang dito ako nag-aaral ih.”

Tinignan ko ang mga kasamahan niya at naroon nga ang isa sa mga crush ko. Tumangkad siya lalo at naging maskulado ang kaniyang katawan. Napabaling siya sa akin at tinignan ko nalang si Dobu na nasa harapan.

“Baliw talaga, Saan sila Brai?”

“Hindi ko nga alam e, kakarating ko lang.”

“Kakarating lang daw?.. Sino 'to?” Tinignan niya ang kasama ko at nagulat pa siyang iisa lang sila ng school dahil sa id lace nito. Marami kasi akong naging kaibigan dati at hindi ko naman sila malilimutan.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon