3rd CHAPTER

224 19 2
                                    


"Mom, bukas ay pupunta kami ng beach. May party kasi ang isa sa mga mates ko at ini-invite nila ako. Kasama ko naman po si Aira."

Sambit ni Ate kay Momma. Nasa sala kaming tatlo at ito ako pa-kain-kain lang ng french fries. But damn, I'm craving this food right now.

"Saan ba iyon, anak? Ikaw bahala, basta ay mag-ingat kayo." Ani Mom. Hindi ko na sila pinansin at nag scroll up and down lang ako sa socmed.

"Derp? kumusta ang school?" Ate asked. Nilingon ko si Ate at dalawa nalang pala kami ang narito sa sofa.

"Ah iyon, ayos lang naman." Tanging sagot ko lang at nag phone.

"Okay, umakyat kana sa itaas at matulog na. Anong oras na oh. Nga pala bukas ay hindi kita maihahatid. Maaga pa kasi ang alis namin, kaya mag dyip kana lang muna." Si Ate, nag Derp face ako't dumiretso na sa itaas.

Ganito talaga ako. Kaya siguro ang pinalayaw sa akin ni Ate ay 'Derp'. They said that I'm rugged and cheeky. Pero nagkamali sila, mabait kaya ako.

Ang aga pa naman para matulog.

Ano kaya kung sasabihan ko sila Fabs na mag Od kami. Papayag kaya sila?

Nakakatamad kasi pumasok ih pero, paano na yong dream ko? Uhm. Marami pa namang araw para roon at bukas lang naman ako aabsent ih.

Klyzia Millie: Hey Beh?

Yaazanyah Faith: Yep?

Klyzia Millie: Od tayo bukas hihi. Sige na please mag skateboarding tayo o kaya mag bike kahit saan. Sige na!

Yaazanyah Faith: Wala bang gagawin bukas? Sige na nga lol.

Klyzia Millie: Wala naman puro kopya nga lang tayo 'di ba. Sige yes!

Yaazanyah Faith: Oras din ba ng pasukan?

Yaazanyah Faith: Sige na. Sige na! Matutulog na ako nagagalit na si Mama bye bestie.

Klyzia Millie: Oo naman para hindi nila malaman na nag ditch class tayo.

Klyzia Millie: Sige. Good night.

Mabuti naman ay pumayag siya. Gusto ko lang ulit talaga gawin ang ginagawa namin dati, ang gumala.

Hindi pa naman mapapansin yan ni Ma'am dahil kakasimula palang ng pasukan, at isang araw lang din naman kami a-absent.

Si Eumi kaya? Papayag ba? Kapag si Brai kasi papayag agad 'yon at ganun din si Kier.

Klyzia Millie: Bebeh?

Eumerriah: Yes beh?

Klyzia Millie: Od tayo bukas lol.

Klyzia Millie: Sige na! Pumayag kana at pumayag narin si Aiya e haha. Ang boring kasi sa school at wala naman masiyadong ginagawa.

Eumerriah: Hmm.. Pag-iisipan ko.

Eumerriah: Hihi, syempre papayag ako kaya nga e, atsaka bagong pasukan pa lang kasi.

Klyzia Millie: Mismo! Sige kitakits tomorrow. Good night!

Ang saya nito bukas. Mag bike kami or mag skateboard at iikot lang kahit saan basta roon lang sa Michigan.

Na i-chat ko na rin si Brai. Nung una ay ayaw pa pumayag pero nagbibiro lang daw siya. At si Kier naman ay 'Oo' agad ang isang yon. Tamad din e pero pagdating sa sports ay active.

"Bye Mom! Aalis na po ako." I Kiss Mom on cheeks.

Lumabas ako ng bahay at inaayos ko pa ang suot kong uniforme. Si Ate ay kanina pa 'yon umalis. At diretso na ako nito sa The Nutty Bunch.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon