29th CHAPTER

91 8 0
                                    

XXIX


Pagkahinto ng motorsiklo ay agaran akong bumaba para buksan ang gate at pumasok siya sa loob ng carport namin na sakay ng motor, dahil nais niyang makausap si Mom ngayon. Napatingin kami sa pintuan nang lumabas doon si Mom at ngumiti siya nang makita kami.

“Hello, Mom!” Bati ko pagkalapit at hinalikan sa pisngi't niyakap.

Tinignan namin si Ravyn na papunta rito sa amin at nilagay niya sa bulsa ang susi ng motor at parang kabado pa siya pero, nakangiti.

“Oh 'nak.” Bati ni Mom sa'kin. “Magandang tanghali rin sa iyo.” Sambit niya kay Ravyn nang palapit sa amin. Nagmano siya pagkalapit.

“Salamat. Ang aga ng uwi niyo ngayon ha. Sige pasok muna kayo may niluluto pa ako roon at baka masunog.” Dugtong nito at binuksan nang malawak ang pintuan.

Tumabi naman sa akin si Ravyn at nahihiya. Napapayuko nalang siyang bumati at ngumiti kay Momma.

“Kakausapin mo si Mom, 'di ba?” Ngiting tanong kong humarap sa kanya. “Kaya huwag kang mahihiya, kaya mo yan! Mabait naman si Mom.” Pampalakas loob ko sa kanya.

Hinawakan ko siya sa kamay at pumasok na kami sa loob ng bahay. Si Mom naman ay nauna na dumiretso roon sa kusina, dahil may niluluto pa siyang binabantayan. Pinapaupo ko si Ravyn sa sofa. Kinuha ko ang remote at nilipat ang channel sa television.

“Is it really okay?”

Nilingon ko siyang nanliit ang paningin ko at natawa. Tumawa rin siya pero. Mas mabuti nga na tumawa muna siya para mawala wala nang kaunti ang kaba. “Kinakabahan ako, kaunti lang naman..” He added.

Tumabi akong umupo sa kaniya at nilapag ang remote sa table.

“Huwag kang masiyadong kabahan. Dapat kalmado lang dahil mabait naman si Mom at hindi rin siya naka intimidate pagkat siya'y palaging nakangiti, at alam niya ang isang tao na naiilang sa kanya at pinapakalma niya muna ang mga ito. Kaya huwag kang kabahan.” Nakapukos lang siya sa'kin. “Kaya mo 'yan. Okay?” Ngiti ko.

He nodded. “Salamat.”

Tumayo ako't ngumiti.

“Puntahan ko muna roon si Momma at para sabihan na nais mo siyang makausap.” Tumango lang siya at dumiretso na ako sa kusina.

Naabutan kong nagsasahog si Momma ng niluluto niya at nabigla siya nang mapansin ako. Lumapit ako at sinilip ko muna ang niluluto niya at parang malapit narin naman iyon maluto.

“Oh, 'nak? Ikaw pala. Nasaan na si Ravyn?”

“Naroon po sa sala.” Kinuha ni Mom ang gulay at inilagay na roon sa niluluto niya. “Mom, ako na po.” Kuha ko sa sandok at nilagyan naman ni Mom ng pampalasa iyong niluluto. “Momma, nais ka nga po palang makausap ni Ravyn.” Nilingon niya ako at patuloy lang ako sa paghahalo.

“Para saan naman 'nak?” Ngiting nagtataka si Mom. “Sige, ikaw na muna rito at kakausapin ko siya. May itatanong din naman ako sa kanya.” May inaabala muna si Mom bago lumabas ng kusina.

Pinahinaan ko ang gas stove at tinignan ko kung may niluto na bang kanin, at mayroon na nga. Pagkaluto ng ulam ay pinatay ko na at tinignan ang aking sarili sa nakitang salamin.

Hindi pa pala ako nakabihis.

Nakita ko agad sila sa sala na may pinag-uusapan at ningitian ko sila't dumaan para pumunta sa itaas. Ayaw ko naman na istorbohin at makinig lang doon sa kanila na seryosong nag-uusap, at gusto kong masabi ni Ravyn nang maayos iyon kay Mom. Ang mga dapat niyang sabihin.

“Hi! How are you? You don't reply to me anymore and you don't even answer my calls.” Basa ko sa message.

Heto na naman ang pagparamdam ng taong hindi ko kilala. Iniinis talaga ako neto ih. Binura ko na nga ang lahat ng messages and called niya rito sa akin at ngayon ay nagparamdam ulit siya. Tapos hindi ko man lang kilala ang pangalan niya. Pinindot ko ang blocked para hindi na siya maka-text sa akin, sinisira niya lang ang napakaganda kong araw.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon