9th CHAPTER

158 11 0
                                    


“Nak, good morning.” Salita ni Mom nang pumasok sa kwarto ko. May dala siyang pang-almusal. Maayos na ako ngayon at maayos na ang pagkalakad ko. “Kumain ka muna anak, hindi ka pa kasi bumababa. Anong oras na.” dagdag niya pa't ngumiti ako.

“Thanks Mom.” Tumayo ako at niyakap siya.

“You're welcome anak. Sige kumain kana muna dahil mamaya ay pupunta tayo sa mall.” Anito, kaya napangiti ako nang malapad at tumango.

Kinain ko na ang cookie and milk. Habang kumakain ay nanonood ako ng Anime. Napakasuwerte ko talaga dahil may mabait, mapag-alaga at mapagmahal akong ina at may mabait na Ate. Nope, hindi mabait si Ate, ako lang yong mabait sa amin. Kidding.

I take a bath and after that I wear a white plain shirt, black pants, and converse shoes. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko. Niligpit ko narin ang mga notebook na nakakalat sa kama na kanina'y sinagutan ko.

“Oh! Bihis ha? Saan ang punta?” Tanong ni Ate. Pagkalabas ko ng kwarto. Nasa couch lang siya. I just smirk at her and went down. I did not have time to talk to the blockbuster.

Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa sala. Maganda 'di lang maganda, napakaganda pa!

Parehas lang naman yon. tse!

“Nak, Ano ang maganda? ito o ito?” Tanong ni Momma kay Ate. Ang jeans ang pinapapili niya. Parehas lang naman maganda pero, bet ko ang nasa kaliwa. Plain lang. Hindi kasi ako mahilig sa maraming mga desinyo.

“Ito nalang Mom, ayaw ko niyan.” Sagot ni Ate at kumuha ng skirt.

“Para sa'kin naman 'to nak.” Natawa pa kami ni Momma at si Ate ay napanguso nalang. “Bilhin mo rin yan. Ikaw 'nak saan ang mas maganda?” Baling sa akin ni Momma at tinuro ko iyong kaliwa at iyon na ang kanyang binili.

Tumatayo lang ako habang sila ayon busy sa paghahanap ng mga bilihin.

“Ang ganda naman nito.” Bulong ko.

Tinignan ko sila Ate at Mom na nasa kabila at naghahanap pa rin ng bibilhin. Magtingin-tingin lang sana ako e, kaso ito may nakita akong khaki cargo pants. Ang ganda... ko.

Hinawakan ko iyong kulay brown at sinusuri kung katulad ba sa mga pants ko sa bahay, pero iba ito. Ang ganda dahil simple lang at oversized din ito. Anong kulay kaya ang bibilhin ko? What if dalawa? Uhm isa nalang marami na akong pants sa bahay.

“Shit!” Napamura ako sa agulat ako.

Kukunin ko sana 'yong khaki cargo pants ay may kumuha.

“Hey, bad.” Si Ravyn.

Bakit siya nandito? Malamang mall 'to at kahit sino ang pwedeng pumunta pero.. “Oh sayo na, kanina mo pa kasi tinitignan parang nagdadalawang isip ka pa.” Aniya at binibigay sa akin.

Tumango lamang ako at umalis na, papunta sa kanila ni Momma.

“Kumusta ka na? Yong binti mo maayos, na ba?” Sumunod siyang nagtatanong.

Nasa tabi ko siya at hinahanap nang mga mata ko sila Momma. Saan na ba sila pumunta? Nandito lang 'yon sila kanina ha? Nilingon ko kaliwa at kanan harap at likod ngunit wala.

Baka naman ay lumabas na sila.

“Ay, Shit!” Nagulat ulit ako. Hindi ko naman alam na nasa kanan pala siya kaya paglingon ko ay nabunggo ako sa kanyang likod.

Dumiretso ako agad sa counter para bayaran itong pants na binili ko. Kaunti na nga lang ang pera ko ngayon ay wala pa si Momma rito.

“Hey, Sino ba ang hinahanap mo? Kanina ka pa lingon nang lingon?”

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon