18th CHAPTER

91 10 0
                                    


“Heto lang po ba lahat Mom? Nailista na po ba lahat?”

Tanong ko kay Momma sa bibilhin kong groceries para sa amin dahil naubos na ang stocks. Malapit lang naman ang mini store rito sa loob ng village namin kaya roon nalang ako bibili at gagamitin ko nalang ang bike.

“Oo 'yan lang nak marami pa naman kasi na mga ulam diyan sa fridge.” Anito at pinatuloy ang pagtatrabaho.

Lumabas ako ng bahay namin at pinadyak na ito. Maghapon pa lang naman sa ngayon, at para hindi na kailangan ni Mom na mag groceries, kasi abala siya sa kanyang trabaho. Wala rin naman akong gagawin sa ngayon, kaya ako nalang.

Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko, ang lamig.

Pinabagalan ko na ang pagtakbo dahil narito na ako. Kaunti lang ang tao sa ngayon, pinarking ko sa tabi ang bike, na may katabi rin na mga bisekleta.

Naka-hoodie grey and black pants ako.

Kanina kasi pagkatapos ng pag-aaway nila ay umuwi na kami. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyayari. Bigla rin naman silang umalis ni Ollie nung pagka-alis nila Jeorge at kaming mga nanonood nalang ang naiwan n'on.

“Ate, mayroon pa po ba kayo nito?” Tanong ko kay ateng nag-aayos.

Ang Cheesecake ang tinatanong ko dahil nag-iisa nalang siya rito, gusto ko bumili ng five packs.

“Mam dito po. Narito po sa kabila ang iba mam. Nahiwalay lang kasi ang isang 'yan, may naglagay siguro riyan.” Ipinasya niya ako sa kabila.

Damn! Narito lang pala lahat ng mga cheesecake and biscuits. Doon kasi agad ako pumunta sa mga delata.

“Ah sige po. Thank you.” Aniko't kumuha tsaka inilagay sa basket.

Marami na ang nailagay ko sa baskets. At sinuri ko ang listahan at saktong kumpleto na ito. Parang malilimutan ko pa ang chuckie ko ha. Kumuha ako sa malaking refrigerator dito sa mini store. Mga twelve pieces na chuckie at para sa'kin lamang ito.

Pumila na ako rito sa cashier.

Nanlaki ang mata ko sa pumasok na pamilyar, naka black hoodie siya't jersey na bottom. Inangat niya ang kanyang buhok na mula sa noo paitaas. Mahaba kasi ang buhok niya at natatakpan nito ang kanyang kilay. Actually silang magka-kaibigan ganiyan ang mga buhok nila kaso, mas maitim nga lang ng sobra ang buhok niya kaysa kay Riedun.

Nakita niya akong nakapila rito at ibinaling ko agad sa harapan ang tingin. Ako na pala! Kaya inilagay ko na ang mga binili ko sa harapan para i-check ng cashier.

“Ito po mam. Thank you!” She smiled and I smiled back. Bale dalawa ang plastic na dadalhin ko at itong isa ay mabigat dahil may mga delata.

Biglang may nagbukas ng pinto sa akin at kukunin niya rin dapat ang dinala ko. “Uh hindi na, salamat.” Salita ko agad at lumakad.

“Ako na.”

“Hindi na, okay lang kaya ko 'to─”

Kaso nakuha niya na ang dala ko.

Ang bilis niya. Nahihiya pa akong lumakad at pina-pauna siya, sumunod akong nakatitig sa kaniyang likod.

“Dito nalang, salamat.” Pinapalapag ko ang mga binili para kunin ko ang bike ko at hinawakan niya naman para hindi matumba at maayos kong mailagay ang mga supot.

Kinuha niya ang huling supot para ilagay sa unahan ng bisekleta.

Sumakay na ako't kinuha niya naman ang bike niya.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon