25th CHAPTER

94 7 0
                                    

XXV


“Sige Mom. Aalis na po ako.” Paalam ko at tumakbo na palabas ng bahay dahil malapit na ang oras ng aming klase.

Huli na akong nagising kanina at pinapagalitan pa ako ni Ate. Iyon ang sabi ni Momma dahil hinihintay raw nila ako at nainis sila kaya nauna na.

Nang ginigising kasi ako ni Ate kanina ay bumalik pa ulit ako sa pagkatulog. Napakakulit ko kasi e! Nakakatamad din kayang gumising nang umaga.

“Hey!”

I looked at the caller. “Musta?”

“Oy ikaw pala.” Ngiti ko. Ang kapit-bahay naming babae na aking kaibigan. “Ayos lang naman. Ikaw kumusta na?” Nagkasabayan kami sa paglalakad at siguro'y tumakbo pa siya kanina para sumabay sa akin.

“Maayos din naman.” May tumawag naman sa kanya roon sa unahan naka kotse at minamadali siya. “Papasok ka ba? Sumabay kana sa amin para hindi ka ma-late.” Lingon niya sa'kin.

“Hindi na, ayos lang. Hindi pa naman ako late, siguro.” Ngumisi ako,

“Okay, sige ingat!” Ngiti niya't, tumakbo na siya roon.

Nahihiya lang ako na sumabay. May pera naman ako para mag commute at gusto ko lang talaga mag lakad.

Marami kasi akong iniisip dahil sa nakaraang araw at para narin akong tanga na napapangiti sa kawalan.

“You did not say that you would go first.” Nagulat ako sa nagsalita at nasa tabi ko na si Ravyn na sakay ng motor. Napalaki pa ang mata ko sa gulat. Hindi ko siya namalayan at hindi ko man lang narinig ang ingay ng motor niya dahil may napapadaan din na ibang naka motor. “You are dumbfounded again.. Let's get on, so we don't get late.” Napakurap ako at binaling sa iba ang tingin. Narinig ko ang mahinang pag tawa niya.

“Akala ko nauna kana..” Bigla niyang inabot ang wrist ko at hinawakan, para humarap sa kanya.

“Why would I do that? Ang iwan ka, natagalan lamang ako dahil huli nang nagising, at pumunta agaran sa harap ng bahay niyo dahil hinihintay pa kita at mga ilang minuto na ay hindi ka pa rin lumalabas.” He said and looked at me to see my reaction. “Hanggang sa lumabas ang Mama mo at sinabi sa akin na nauna kana raw.”

I was so bitten on my lip. “Uh, okay, tara na baka ma late pa tayo.” Ngiti ko at tinulungan akong makasakay.

Inilagay ko sa gitna namin ang bag ko. Ay baka malipad ng hangin ang skirt kong maiksi. May cycling naman ako pero, naiksian pa rin ako sa skirt. Hinahawakan ko ang aking skirts para hindi ilipad ng hangin.

Wala kaming salitaan na dalawa at napapansin kong pinabagalan niya ang pagpatakbo ng motor at napapatingin siya sa kanyang orasan.

Bakit naman ang bagal niya? Inaalala ko nga na baka ma-late na kami.

Teka lang, napansin niya siguro na kanina pa ako nagpipigil sa aking skirts para hindi tangayin kaya binagalan niya nalang ang pagpatakbo ng motor at tinitignan ang oras kung ma-late na ba kami.

Napapangiti ako sa kawalan at nagmumura sa isipan sa sobrang saya.

Pagkarating sa school ay maraming mga students na pakalat-kalat at ang iingay nila. Wala bang klase? Naroon sila sa may soccer field at nanood sa mga taong naglalaro at nagsisigawan pa. Parang may programme lang.

“Thanks.” Ngiti ko at bumaba ng motor na inaalalayan pa niya. Syempre hinintay ko muna siyang iligpit ang mga helmet para sabay na kaming pumasok sa loob.

Dito palang sa labas ay makikita mo na ang loob ng field namin doon at marami na ngang students. Ang alam ko ay late na kami nang mga ilang minuto pero, bakit marami pa rin ang naparito. Mga pang-umaga ba sila?

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon