24th CHAPTER

86 7 0
                                    

XXIV


"Kly, Brai! Uuwi na raw tayo." Tawag ni Aiya sa'min at tumayo na kami.

Lumakad kami paibaba ng hagdanan at papunta roon sa parking lot.

"Riedun, dadaan pa ba tayo roon sa Traverse City?" Eumi asked.

"Oo dadaan pa." Riedun replied.

"Okay, Sa HRC nalang ako bababa."

"Bakit Eumi sa Coffee shop iyon 'di ba?" Aiya joined the conversation.

"Yeah, nagtext kasi ang pinsan ko na naroon sila ni Nanay." She said and Aiya just nodded.

Nagbyahe na kami at nagpatugtog ng mga sikat na awitin.

Hindi ko talaga alam kung ano itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko siya gusto pero... pinapatibok niya ang puso ko kapag nakikita o lumalapit siya sa akin. Damn! Kly, alam mo naman na marami ang nagkakagusto sa kanya at wala ka nang pag-asa doon dahil hindi ka naman maganda.

Uh no! Maganda ka nga pero ang pangit naman ng ugali mo mahilig ka magmura. Shit!

Humilig ako rito sa bintana at tinitignan ang tanawin sa labas. Puno ang pag-iisip ko ng mukha niya. Naalala ko rin siya sa mga bagay.

Damn! Doon lang ako napabalik sa huwisyo nang huminto ang sasakyan. Ibinaling ko nalang kay Eumi ang paningin nang bumaba siya.

"Sige, dito na ako salamat."

"Ingat. Yong bag mo pa pala." Pahabol ni Aiya. Kinawayan ko si Eumi at ngumiti siya sa amin. Isinara na ang car door at humiga si Aiya sa legs ko't nilalaro pa niya ang aking buhok.

Sinilip ko saglit ang sa harapan ng kotse namin kung saan na ba kami. Nang tumingin ako sa harapan ay nakita kong tumingin sa front mirror si Riedun at ibinaling na niya sa minamaeho ang kaniyang tingin.

Hinatid kami nila at humiga naman agad ako pagkarating sa bahay. Pagod na pagod ang katawan ko sa byahe.

Panibagong araw na naman at wala akong gagawin buong araw rito sa bahay. Bumaba ako para kumain at hindi pa'ko naghihilamos. Magulo rin ang aking buhok. Ganito talaga ako kapag nasa bahay lang. Magtatanghali na ako nagising kapag walang pasok.

Bumaba ako. "Mom?"

"Umalis." Sagot ni Ate nakasalubong ko at paakyat siya.

Napanguso ako. Gutom na ako at umupo muna sa high chair dito sa kitchen at binubuhusan ang baso ng gatas. Ang mga pagkain na natira noong undas ay iniinit ko at ang biko nalang siguro ang aking kakainin.

Nanonood ako ng movie ngayon dito sa sala at nag scroll down lamang sa socmed. Wala akong magawa ngayong araw at naboboring ako kaya naisipan kong aayusin nalang ang bookshelf ko roon sa kwarto.

"This is so cute." Bulong ko sa hangin nang makita ang baby pictures ko.

Marami akong baby pictures at nung ipinakita ko pa ito sa kanila Fabs ay pinag-aagawan nila ito. Natatawa ako noon, humihingi kasi kami ng litrato sa isa't-isa noon. Mayroon din akong mga baby pictures nila Fabs dito.

Naayos ko na ang mga kalat at pati ang bookshelf ko ay maayos na rin. Tumagal pa ako sa pagliligpit dahil nagbabasa pa ng mga lumang story.

"Derp? Derp!" Katok ni Ate at nagmamadali kong binuksan ang pintuan. Nagpapahangin lang kasi ako roon sa balcony. "Anong ginagawa mo dito? May bisita ka pala nasa ibaba.. Iyong kapatid ni Jayvee. Sinabi niya sa akin na gagala raw kayo. Oh bakit hindi ka pa nag-ayos?" Tinignan niya ang kabuuan ko at umalis.

Holy cow! Ngayon na pala iyon!

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at minamadali ang pagkilos. Nagligo ako nang madalian at pumunta na sa closet para maghanap ng damit. Ano ang susuotin ko?

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon