30th CHAPTER

101 8 0
                                    

XXX


“Mayong aga. tama ba?” Tanong ko sa kaniya sa tinuturo niyang lenggwahe nila sa akin. Na ang ibig sabihin daw ay 'magandang umaga'.

“Yeah,” Ngiti niya. “Tama, at ito pa, 'Nalipay ko nga makilala ko kamo.'” Tingin niya sa akin na ako'y naguguluhan sa sinambit niya. Nagiging iba rin ang tono ng kanyang boses kapag nagsalita siya ng kanilang lenggwahe. “Iyon ay, ikinagagalak ko kayong makilala.” Paliwanag niya at napangiti ako.

“Iyon pala. Ano nga ulit 'yon?” Hindi ko kasi masundan ang sinasabi niya dahil ang bilis niyang bumigkas at ang gwapo ng kanyang tuno. “Nalipay.. ko.. nga.. makilala.. ko kamo.” Sabay ko sa bawat sambit niya ng salita at pumalakpak ako ng maitama iyon at matapos siyang sundan sa pagbigkas.

Narito kaming dalawa nakatingin sa karagatan at umaga na. Mga ilang minuto nalang ay makakarating na kami sa kanila. Marami pa siyang itinuturo sa akin at hindi naman kasi ako mabilis kumabisado ng mga salitang bago sa pandinig ko. Ang sinabi niya ay magsalita nalang ako na kung saan ako sanay. Naintindihan naman daw nila iyon pero kapag sila'y sumasagot ay gamit ang kanilang salita. Dahil 'di sila sanay neto. Magkatabi kami rito sa harapan ng ferry at siya'y nakaakbay sa akin. Lumabas na ang pagsikat ng araw at napakaganda ito. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa railings at napa-yakap naman siya sa akin.

I looked at him smiling and admiring his beauty. Nalilipad ang buhok at damit namin sa malakas na hangin. Kahit sumikat na ang araw ay ang lamig pa rin dito. Napaakap ako sa sarili at kinuha niya ang kanyang Flannel shirt para ilagay sa akin at inayos ito. Naka t-shirt pa rin naman siya at niyakap ko siya agad.

“Woah! Narito na tayo!” Sigaw agad ni Aily na dala ang kanyang maleta at paibaba na kami ng ferry. Napakasaya niya sobra at napangiti ako. “Nasaan na ba sila ni Lola?” Tanong niya at hinahanap ng kanyang mata doon sa mga maraming tao na nasa ibaba.

“Ako na,” Bulong ni Ravyn sa akin sa backpack na dala ko.

“Hindi ako na, marami kang dala.” Ngiti ko, nasa paradahan na kami at maraming mga tricycle ang naghihintay rito, mga dyip at Pedicab.

Nang may napansin si Aily sa mga tao ay kinawayan niya ito, na kumaway pabalik. Napalingon ako kay Ravyn at ngumiti siya. Inilagay niya sa kabilang kamay ang paghawak ng luggage para hawakan niya ang aking kamay.

“How are your feeling today?” He whispered. Palapit na kami roon sa mga pamilya nila, at nauna na si Aily roon at agad niyang niyakap ang isang matandang babae.

“I'm fine, nais ko narin makilala pa ang mga pamilya mo.” I smiled.

Binati kami nila nang makalapit sa kanilang pwesto at binaba muna namin ang mga dala sa tabi.

Niyakap ni Ravyn ang matandang babae, na siguro'y Lola nila. Ang mga iba pa nilang kasama ay kinuha ang mga gamit na dala namin at inilagay roon sa loob ng dyip. Nagkabatian lang kami at ako'y nahihiya pa dahil hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi at masayahin pa sila dahil palaging nakangiti ang mga ito.

“Lola, I miss you.” Ani Ravyn. pagkatapos niyang yakapin ang kaniyang Lola. Ang iba ay nauna ng sumakay sa dyip at nagpaalam si Aily sa akin na mauna siyang sasakay, kami ay nakatayo muna rito sa tabi.

“Namiss din kita, apo.” Sambit ng Lola. Tinignan pa niya ako at nakangisi siya.

“Lola, this is my girlfriend, Klyzia.” Pakilala niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilaang balikat, napayuko ako sa matanda at ngumiti.

“Hello po,” Ngiti ko. Sasabihin ko sana ang salita na tinuro ni Ravyn kanina ay nalimutan ko kung ano iyon.

Tinignan ko si Ravyn para tulungan ako sa salita pero hindi niya mabasa.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon