13th CHAPTER

117 10 0
                                    


“Hey!” Tawag ko sa kanila. Wala akong pake sa mga tao sa paligid.

“Ito si Killian Yzzer ang kapatid ko.” Pakilala ko pagkalapit namin at tinulungan ko pang maka-upo si Eyzer sa bangko. Nilapitan naman agad ni Brai ang kapatid ko.

“Happy birthday Eyzer. Sorry wala akong gift sa'yo. Gwapo ka naman e.” Ngisi ni Brai at kinurot ito sa pisngi.

Binabati rin nila ang kapatid ko at ito namang kapatid ko ay binalewala lamang sila at inuuna ang pagkain.

Nakaraang ilang minuto ay umalis ang ilang lalaking kasama namin para maglaro roon ng basketball sa likod.

“Sige, kumain ka lang.” Sabi ko kay Kill at inilapit sa kaniya ang pagkain.

Sila Fabs ay gumamit lang ng mga cellphone. Kumain narin ako dahil nagugutom na at mag-aalas-sais na.

Nag-aalala ako sa kapatid ko dahil sa sinabi niya na pinapagalitan daw siya. Bakit naman ginagawa 'yon ng Mama niya? Mula noong bata pa ako ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ni Mom and Dad. Ayaw nila sa lahat ang may sinasaktan at kapag nagkamali ako noon ay pinagsabihan lang nila kami. Nalulungkot ako para kay Kill. Hindi naman ako pwedeng makialam nalang 'di ba?

“Wait lang pre!” Pagpatigil ni Kier. Pumunta sila sa mga brewery at kumuha ng apat na bote ng alak.

Ang mga kakilala ni Kier ay tinawag niya sa kabila at sumama na pumunta sa table namin para tumagay.

“Umiinom kayo?” Tanong ni Xia sa kanila at ningitian siya ni Brai at inakbayan, may sinasabi sa kanya ito.

Nahagip nang mga tingin ko si Ravyn at may kausap na babae, kakilala niya rin siguro at katabi niya naman si Riedun. “Kayo girls umiinom din ba kayo ng alak?” Tanong sa'min ni Xia.

“Nope.” Iling ni Eumi.

“Oo. Pero ayaw ko ngayon baka magalit si Mama.” Tawa ni Aiya at umiling naman kami ni Brittany.

“Nak!” Napatingin kami kay Papa pagkarating niya rito sa table namin. “Umiinom na rin pala itong mga kaibigan mo.. Ah, Killian pumasok ka muna sa loob. Kanina ka pa tinatawag.” Aniya pa, pumunta siya rito sa table namin at lasing pa.

Binati nila si Papa at umalis naman agad si Papa dahil tinawag siya ni Tita at nag-aasikaso sila sa mga bisita.

“Tagay! Kayo gusto niyo?” Tanong ng isang lalaki sa'ming mga babae at umiling kami. “Ayaw niyo? Edi h'wag. Ay bawal pala kayo dahil mga babae kayo.” Natawa aniya pa at lumagok lang ito ng alak.

Kapag babae pala ay bawal na uminom ng alak? May gender pala ang alak? Actually naririnig ko rin 'yan sa iba na, kababaeng tao raw ay umiinom. Pakialam nila kung umiinom siya, sila.

“Ito sa'yo pre.” Ani Brai at ini-aabot ang bote at agad na tinanggihan ni Ravyn. “Bakit ayaw mo pre, Hindi ka ba umiinom? Sige sa'yo nalang pre.” Binigay niya nalang kay Riedun.

Kumakain at nag-uusap lang kami.

Hindi ako kinakausap ng mga ikalawang pamilya ni Papa, 'yon nga ang sinasabi ko e. Kung ako lang ang mag-isa rito ay para akong tanga na nag-iisa at na out of place sa lugar na hindi ko mga kilala. Ang nakakausap ko lang noon ay si Hiede at Kill.

Kumukuha pa ng mga ilang bote ng alak sila Kier. Si Ravyn naman ay nag phone lang at nakasandal sa upuan.

Wala ng pagkain ang plato niya, baka gutom pa siya o ano? Hmm.

Tumayo si Ravyn at naglakad, umikot siya sa kabila dahil may tao sa katabing table namin.

Uminom ako ng juice.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon