7th CHAPTER

174 13 0
                                    


“Congrats ang galing niyo!” Bati ni Aiya sa kanila Jeorge at Riedun na kakalabas lang sa backstage.

Hinintay pa kasi namin sila.

Nag-apiran naman ang mga lalaki at ngumiti lamang ako sa kanila. Bigla naman nabaling ang paningin ko kay Ravyn na abala sa phone niya. Marami pa ang naki-pagpicture roon sa mga banda na kasali sa contest.

Kinuha ko ang aking cellphone nang tumunog ang messenger.

View Message Requests.

Ravyn Karl: Hey, are you okay?

Anong-ano? Totoo ba 'to? Bakit niya ako tinatanong nang ganito?... Baka nalaman niya ang nangyari kanina.

Klyzia Millie: Yeah, I'm fine.

Ravyn Karl: That's good that you're fine. Wala ako kanina nang may nangyari roon sa labas.

Ano ka ba! Ayos lang naman ako. Napangiti ako dahil sa text niya kahit ganiyan lang feeling ko ano... ano kasi pinapatibok niya ang puso ko.

“Maayos ba ang pagtugtog namin?” Naibaba ko agaran ang phone at nilingon si Jeorge nang magtanong.

Naglalakad na kami rito sa iskinita.

“Napakagaling mo. Congrats! Sana ay isa kayo sa mananalo.” Ngiti ko.

“Sana nga..” He smiled.

Nabigla ako sa agarang paghatak ni Brai sa akin. At nauna kaming dalawa rito sa may waiting shed... Bakit ba palagi nalang siyang nanghahatak!

“Sinabi ko na nga ba e! Nagkagulo na naman kanina!” Utas nitong bitaw sa akin. “Nasaktan ka ba?” Napakunot naman ang noo ko sa inakto niya.

“Baliw! Hindi ako nasaktan okay! Bakit ba kasi kailangan mong manghatak!” Sagot ko.

“Kahit na..” Sabat pa ni Brai.

Nabigla kami nang may huminto na jimny sa may tabing kalsada. Napatingin kami ni Brai at ibinaba nito ang bintana ng jeep.

“Dito lang pala ang Barangay Biloba.” Sabi ni pinsan at ibinaba ang specs niya. “Hindi mo man lang nireplayan ang mga text messages ko.” He added and looked at me.

“Ikaw ba talaga 'yan?” Tanong ko nang nakakaloka. Ang laki nang pinagbago ni pinsan. He got mature looks now. “Sorry kasi..” Di ako pinatapos sa pagsagot at bumaba siya ng jimny at inapiran ako.

“Ang bagal mo talaga e nuh! Kahit kailan napakabagal mo. Pumunta ako sa bahay niyo ay wala ka naman doon.” Anito.

Nagsidatingan ang mga kaibigan ko.

“Kung saan-saan ka kasi pumupunta.” Dugtong niya at tinignan saglit ang mga kaibigan ko. “Bilisan mo na at igala mo ako sa lugar niyo.” Ngisi niya at sumakay.

Pinakilala ko pa sila Fabs kay pinsan at sinabi ko sa kanila na sumabay na sila sa amin pero, ang sabi nila Fabs ay 'huwag na'. Kaya sumakay na ako sa jimny at umalis na kami para igala ko sa lugar ng El Hawod ang pinsan kong 'to. Minsan lang siya nagbabakasyon at nakakagulat lang dahil naparito siya ngayon. Eh yong ibang pinsan namin kaya, kailan naman sila magbabakasyon sa amin?

Ikiniwento rin sa akin ni pinsan kung bakit siya naparito ay dahil daw sa babaeng gusto niya. Isinundan niya pa talaga ang babaeng iyon kahit na hindi niya pa masiyadong kilala.

“Kumusta 'yong nililigawan mo Brai?” Tanong ni Eumi kay Brai. Narito kami sa canteen ngayon kumakain, at ang sabi nila ay wala raw ang next teacher namin. Edi masaya.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon